Chapter 8

97 48 1
                                    

Red Teasing The Dark
CHAPTER EIGHT 

Ritual

•••

The emotion for longing to know the answer to the black envelope. And the emotion that I doubted myself about what I wished for. I was still thinking that we were going to ignore each other. Iniisip ko palang ngunit parang hindi ko yata kaya. Ano pa kaya't kung dumating na nga ang araw na iyon. 

Ang hiling kong iyon ay para sa aming dalawa. Para sa ikakabuti at ikatatahimik ng lahat. Dahil ayokong maging hadlang sa kanilang dalawa ni Cassidy. Ayokong masira kung ano man ang relasyon na meron sila. Sa tingin ko iyon lamang ang tanging paraan para maiwasan ko siya. Para mawala ang namumuong damdamin ko para kay Scott.

Sa maikling panahon na nakasama ko si Scott ay parang ang lalim na ng pinagsamahan namin. 

"Please...sabihin niyo naman na po sa akin ang tungkol sa black envelope. Hindi ko na po kinakaya na isipin sa araw-araw. Hindi ko na po kayang manghula kung ano ang meron doon. I'm so tired...tired of thinking about it...every moment, every single day and night I can't bear it anymore. Sa tingin ko po kaya ko na...handa na ako para pakinggan ang mga sasabihin ninyo," I burst out while warm tears fell into my cheeks. 

Thus far, I've been longing for an answer about it. Nababaliw na ako, ni hindi ako makapagbasa ng maayos dahil bawat kibot ay sumasagi iyon sa utak ko. Hindi ako makapag-pokus sa mga bagay-bagay. Napapasabunot nalang ako sa sarili at napapaiyak dahil sa sobrang pag-iisip. 

"Tumahan ka, Sweetie," pag-alu ni Ina habang hinahagod ang likod ko para tahanin ako. 

"All ears, okay?" mahinahon ang pagkakasabi ni Ama. I nodded my head while sobbing.

"Everything is connected. From the ritual to the black envelope that you received. Ang ritwal...na siyang tradisyon na nakagawian at kinagisnan na ng lahat. Ngunit hindi maaaring ipagsabi sa mga babaeng anak ang tungkol dito. Kapag hindi pa ito handa o di kaya'y mabubunyag lamang ito pagkatungtong niya sa edad na dise-otso. Hindi maaaring pwersahin ang dalaga para iproseso sa utak niya ang tungkol dito. Siya lamang ang makakapagsabi kung handa na ba siya." I was still speechless. 

"Ikaw, Sweetie...ikaw lamang ang bukod tanging hinihintay namin para sabihin mo sa amin na handa ka na. Kaya hindi namin sinasabi sa'yo dahil ayaw namin na suwayin kung ano man ang sinasabi sa ritwal at upang hindi ka mabigla," My whole attention was on him. 

"Ang ritwal ay kaakibat ng isang halik mula sa lalaking nagkakagusto sa'yo. Sagrado ang halik, dapat sa kaniya lamang. Sa mate mo lamang. Sa oras na nahalikan ka na niya hindi ka na maaaring humalik pa ng iba. Mate ang tawag sainyo, kumbaga kasintahan at mas malalim pa kaysa roon...sapagkat ang ibig sabihin ng halik na ito ay tinutubos ka na niya."

"Parang sa larong chess kailangang mahuli o makulong ang 'King' kapag wala na itong kawala sa ibang pieces lalo na ang 'Queen' ay tinatawag itong 'checkmate'. Ngunit baliktad ang mangyayari sa ritual na ito. Ikaw ang mahuhuli at makukulong, kumbaga ikaw ang 'Queen'. Once you were captured by your first kiss then there is no way to avoid the threat...whether you like him or not because it's the ritual. You can't break it but follow it," 

"P-paano po ito konektado sa black envelope?" nang makabawi ay nagsalita ako.

"Hindi basta-bastang nagpapadala ng black envelope ang na sa likod nito hanggat hindi pa tumutungtong sa dise-otso ang napupusuan nito. Hangga't maaari ay maghihintay ito hanggang sa legal na ang edad ng kung sino man ang napupusuan nito. Ngunit kalimitan na nangyayari ay napapaaga ang pagpapadala ng mga sulat sa kanilang mate." 

Red Teasing The Dark 1 ✔Where stories live. Discover now