Chapter 40

36 2 0
                                    

Red Teasing The Dark
Chapter 40

Fate

•••


A few days pass by I didn't see Scott inside the school. Kahit sa SB coffee shop wala rin siya roon kahit pa schedule niya. Si Ethan na lamang ang palagi ang sumasalo sa shift ni Scott. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit hindi ko siya nakikita. Kung bakit ayaw niya magpakita sa akin. I was on the verge of asking myself If I did something wrong to him. 

Hindi ako sigurado. Hindi ko rin alam. Huli kaming nag-usap noong last day ng hell days. Pero isa lang ang natatanging na sa isipan ko. Maaaring nasaktan ko siya pasalita. Siguro ay may nasabi nga akong hindi tama at dinibdib niya iyon. I tried to ask SEXY Beast if they know where was Scott. But they often say that they don't even know. Wala raw pasabi si Scott and I doubt that! It was hard to believe them. I knkw that they knew but they didn't want to tell me. 

"Matalik naman kitang kaibigan, 'di ba? Sabihin mo na kung nasaan si Scott, Xyrendel!" paulit-ulit na pangungulit ko kay Xanthus. 

"I don't know where he is," paulit-ulit niya namang sagot sa tuwing kinukulit ko siya. 

"Pero best friends kayo...kaya naman marapat lamang na alam mo kung nasaan siya." 

"Were best friends but when a certain topic he didn't want to talk about it then I won't meddle. As far as I am concerned, it is confidential. Hindi lahat ng bagay sa kanya ay kinakailangang malaman ko." I grimaced because of his sudden reaction. 

"Bakit parang galit ka?" 

He chuckled as he mess-up my hair. "Just clarifying things, baby." 

"Baby your ass!"

"Someone's missing Dark," 

"Duh! Hindi kaya!" 

"Someone's being in denial!" 

Tumawa siyang muli at inasar pa ako lalo. Gusto ko lang naman makakuha ng kasagutan sa tanong ko pero pang-aasar ang nakuha ko. Nakakainis naman kasi si Xanthus. Hindi rin pwede kay Ethan ako magtanong maaaring mas lalo naman niya akong tuksuhin. Kung kay Yvor naman maaaring hindi iyon magsasalita. 

Habang may natitirang oras pa para sa next I decided to run to Kua's dorm just to ask him. But first, I texted him to ask where he was. 

Mabuti na lamang sa dorm siya that time kaya naman dumiretso na ako roon. Kaagad ko ng ginawa kung anong pakay ko. I asked him pero ang tanging nakuha kong kasagutan ay 'ask my grumpy mate'. I thanked Kua Neo sarcastically for the helpful response.

Umalis ako sa dorm ni Kua Neo na matamlay. I was expecting na may makukuha na akong kasagutan pero wala pa rin. I texted Sweet where she was pero ang tagal niyang nag-replay. Kaya si Kua Neo ang tinanong ko. I rolled my eyes nang sinabi niyang na sa dorm niya si Sweet! Gawd! Bakit hindi niya sinabi kaagad! Napagod pa ako. Sayang din 'yung oras. 

Naabutan ko si Kua Neo sa sala na kakalapag lang ng pitchel na may laman ng malamig na tubig. Kaagad kong kinuha ang baso sa kamay niya at nagsalin ng tubig. 

"Kua naman...hindi mo kaagad sinabi na nandito si Sweet! Nakakahingal kaya bumalik!" Hinihingal ko pang reklamo nang matapos akong uminom ng tubig. Tamad siyang naupo sa couch at walang emosyon siyang bumaling sa akin. 

"She's in my room." Nanlaki kaagad ang mga mata. Halos maibuga ko ang tubig na siyang na sa bunganga ko. 

"Pagod kami, baby sis." dagdag niya pa. Sinamaan ko lalo ng tingin si Kua Neo at nakuha niya pang ngumisi. 

Red Teasing The Dark 1 ✔Where stories live. Discover now