Chapter 19

55 4 0
                                    

Long chapter, for you.

Red Teasing The Dark
CHAPTER 19

Kiss

•••



Nagising ako ng hating-gabi. Bigla ay sumagi sa aking isipan si Scott. Hindi ko pa siya nakikita simula ng mangyari ang eskandalo. Hindi ako mapakali sa higaan ko. Pipihit ako sa kanan kapagkuwa'y tatagilid ako sa kaliwa. Paulit-ulit ng ilang beses. Nahagip ng aking mga mata si Sweet na gumalaw ngunit nakapikit. Batid kong mahimbing ang kaniyang tulog. Dahan-dahan akong pumihit sa kabila, nakatalikod na ako sa kaniya.

I decided to check out my phone and I did. I grabbed my phone from a side table near my bed. Bahagya akong nasilaw ng buksan ko iyon. Nagpunta ako sa facebook but nothing comes out except, it says 'something went wrong. My signal was poor. 

Nang mabuksan ko ang pinto ay sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin. Naayakap ako sa aking sarili. Sa pagdapo ng aking mga mata sa madilim na parte ng hallway ay may nakita akong anino. 

Sinundan ko ang anino. "S-sino ka?" Hindi umimik kung sino man ang taong iyon. Akma ko na sanang bubuksan ang flashlight ng phone ko ng mapansin kong pipihit ang anino niya paharap sa akin. Napahinto ako at napaawang ang aking labi. 

The distance between us was not that so distant its ranging about seven feet apart. Tumigil siya sa parte na ang tanging nasisinagan ng ilaw ay ang isang bahagi ng kanyang mga mata. 

Napalunok ako. "S-sino ka ba? M-magsalita ka..." Hindi ko alam kung nanginginig ba ako sa takot o sa lamig. Tahimik pa rin siya. Nagdududa na ako sa kaniya.

Hindi ko napaghandaan ang biglaan niyang paghatak sa aking braso at sinandal sa pader. Linapit nito ang kaniyang labi sa aking tainga.

"Curious?" aniya saka mabilisang hinablot ang phone ko. Kaagad na umalis sa aking harapan. Pinanood ko siyang naglakad sa may dilim, huminto siya at muling nagsalita. 

"Red, you are wearing a terno red sleepwear," aniya ngunit likod niya ang nakaharap sa akin at hindi ang mukha. At tuluyan na nga siyang nawala sa aking paningin. 

Ano ba kasi ang problema niya sa pagsuot ko ng terno na sleepwear na kulay pula? Ano bang pakialam niya sa pantulog ko?

"Why are you here again?!" nahimigan ko ang boses ng babae.

"Shut your mouth," lalaki ang sumagot. Bahagyang nagising ang diwa ko ng marinig ko ang sigawan na iyon. Ngunit hindi ko nalang pinansin at dinama ulit ang malambot kong higaan at muli akong bumalik sa pagtulog. 

"Duh! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo," muling nagsalita ang babae.

"Neither I," batid kong si Kua neo iyon dahil malamig ang boses. Sa kanilang ingay, iritado kong iwinaksi ang kumot ko at napilitang bumangon. Kinusot ko ang aking mga mata at nagmulat ng husto, nagising ako ng tuluyan. 

"K-kua...ang aga-aga nagbabangayan kayo ni Sweet," ani ko at sabay hikab. Si Kuya Neo tamad na nakasandal sa study table ko. Si Sweet naman ay nakatayo sa tapat ni Kua at nakapamaywang. May iIang agwat lang ang pagitan nila. 

He creased a brow. "You didn't bother to answer my calls," I force my lips to smile. I didn't know how to explain what happened last night. Shall I say that there's someone who stole my phone last night at midnight? Weird, right? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Wala rin akong maisip na pwedeng alibi. 

"N-naiwan ko yata sa labas, Kua,"  

"Oh, yea. That issue kahit 'di mo sabihin alam ko, baby sis." May kinuha siya sa kaniyang bulsa at inilabas niya ang phone ko at iniiabot sa akin. Napukol ang tingin ko roon at walang pag-aalinlangan na kinuha iyon mula sa kaniyang kamay. 

Red Teasing The Dark 1 ✔Where stories live. Discover now