Chapter 22

37 3 2
                                    

Red Teasing The Dark
CHAPTER 22

Lose the Game

•••

Lumabas na kami ng dorm at pumanhik sa parking area ng school. Besides na sa loob lang naman ang dorm namin. Ginamit namin ang sasakyan ni Sweet na black na sedan. Namangha ako sa paraan kung papaano siya magmaneho, nakaka-astig. Kahit pa naka-dress siya ng kulay black na hapit na hapit sa kaniyang katawan ay alam na alam niya kung paano dalhin ang kanyang suot. 

"Kailan ka natuto mag-drive?" namamangha na sabi ko.

"At the age of fifteen, I guess. With my little sister, sabay kaming natuto," sabi ni Sweet habang seryoso sa pagmamaneho. 

"Ah, may kapatid ka pala."

"Yeah, kaso mas ma-attitude 'yon. She's a spoiled brat," bahagya akong natawa sa sinabi niya at tumango.

Nag-park muna si Sweet bago kami bumaba.  Napaawang ang mga labi ko ng nakababa na kami. Bahagya kong binaba ang dress na suot ko na kulay pula. Hanggang tuhod lang ang haba. Hindi ako kumportable roon lalo pa at gabi na sinabayan pa ng malamig na ihip ng hangin. 

"Hindi ba at dito 'yung coffee shop na Sexy Beast?" sabi ko habang nakatingala sa kung saan dati ang logo ng coffee shop. 

"What do you think, Red?" nauna siyang naglakad at sinundan ko siya. Habang naglalakad at nakasunod sa kaniya ay hindi ko pa rin maiwasan ang magtanong sa kaniya. Pasimple ko nalang na binababa ang dress ko. 

"Ito 'yon 'di ba? Bakit parang napalitan yata ang logo?" kung dati ay 'Sexy Beast' ngayon ay 'Dark's Club' ang nakalagay sa logo kaya ako nagtaka.

"Monday to Thursday it is a coffee shop but then every Friday night it turns out as a Dark's club," she briefly explained. 

Nang makarating kami sa entrance ng 'Dark's cub' instead of 'Sexy Beast' ay may binigay si Sweet sa isang lalaki na malaki ang pangangatawan. Mukhang pamilyar sa paningin ko ang card na binigay ni Sweet.

"Dark's card," malamig na sabi ng lalaki. Bahagya pa akong napalunok bago hinalughog ang purse na hawak ko. Pinanood nito ang paghalughog ko.

"P-paumanhin po...mukhang nakalimutan ko yata. Pwede po ba na pumasok kahit wala 'yon?" pakiusap ko dahil wala na si Sweet sa paningin ko batid kong nauna na sa loob. 

"Hindi pwede..." natigil siya at humawak sa device na nakalagay sa kaniyang tainga. Muli ako napalunok ng sumulyap siya sa akin at sinipat ang buong katawan ko. Nagsimula na akong kilabutan at bahagyang kinabahan. Hindi ako komportable sa paraan kung paano niya ako tignan. 

"U-uhm...s-salamat nalang po, a-alis na ako," nanginginig kong sambit dahil natakot na ako. Bago pa man na tuluyan na akong makaalis ay may nagsalita mula sa likuran. Nahimigan ko ang boses na iyon at tila ba'y nabuhayan ang loob ko. Nawala kaagad ang kaba sa dibdib ko.

"Where do you think you're going?" 

Napalingon ako kay Scott na nakasuot nang kaniyang paboritong outfit. Naka-gray siya na hoodie with black pants. Talaga namang nakaagaw pansin ang magulo niyang buhok. Pati na rin ang kaniyang earring sa kaliwa niyang tainga. Tila ba'y gustong-gusto ko siyang makita sa ganoon niyang hitsura. 

"N-nakalimutan ko kasi...'yung D-darks card, babalikan ko sana," mumuntikan ko na naman na mabigkas sa maling salita ang Dark's. Kung bakit ba kasi nabingi ako noong una niyang binanggit sa akin iyon.

"No need," Scott said as he slowly pulled my wrist. Nagpatianod na lamang ako. Sa harap ng lalaki ay huminto kami.

"Sa susunod, tatanggalin ko na ang mga mata mo dahil hindi ko gusto ang paraan kung paano mo titigan ang babaeng ito," may bahid na pagbabanta ang pagbigkas niya sa mga salita kahit na mababa lang ang tono ni Scott. 

Red Teasing The Dark 1 ✔Where stories live. Discover now