Chapter 2

171 63 4
                                    

Red Teasing The Dark
CHAPTER TWO

Unknown 

•••

UMALIS si Tita-Ninang dahil may importante itong lakad. Mag-isa lang ako at tanging mga tagapagsilbi lang ang kasama ko sa Casa Grande Beach Resort. When I got bored I decided to leave the cottage to go outside and stroll around. I want to read but I forgot to bring the books with me. 

"Ang ganda," bulong ko. Labis akong namangha na pinagmasdan ang bughaw na karagatan. Some people are at the sun lounger to get tanned skin while others are enjoying the water. I was smiling as I walks towards the seashore to view more. Labis akong natuwa kung kaya't hindi alintana sa akin ang tirik na tirik na sikat ng araw sapagkat nalilibang ako.

"Enjoying, huh?" Someone's talking behind my back. Seems the voice sounds familiar to me. I turned around to face the guy suddenly I was stunned. Ang kaharap ko ay ang lalaking nagtangkang humalik sa aking kamay. I don't even know his name for Pete's sake!

"Nakita kitang muli," sabi ko at hindi pinahalata ang bahagyang pagkagulat. 

"Isn't obvious?" he raised a brow. Napairap ako ng palihim. Hindi ko nalang ito pinansin bagkus ay nagpatuloy na naglakad. Dinama ang bawat hampas ng tubig sa aking mga paa. Kahit abala ako roon ay ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. "Sinusundan mo ba ako, Mister?" 

"Isn't obvious?" pilosopo pa. Bigla nalang siyang umalis ng walang pasabi. Nagtampo kaagad? Hinayaan ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit laking gulat ko ng biglang lumitaw siya sa aking tabi.

"Bakit ka bumalik?" Huwag ka nalang umalis kung babalik ka rin lang naman. Umalis ka lang kung sigurado kang hindi kana talaga babalik pa. "Mom asked me to accompany you, by the way," mahinahon niyang usal. I was a bit in shock when he mentioned that his mom was Tita-Ninang. What a coincidence. 

"Come with me," He is been forcing me to go to the house party of his friend I said 'no' but he insisted. He said that I need to come with him as payback for accompanying me. I won't come because I had asthma. I wasn't used to smoke, cigarette, or alcohol. I've been a good kid my entire life. 

"Ayoko nga, e. Bakit mo ba ako pinipilit kung hindi ko naman gusto na sumama sa'yo?" 

"Kung ayaw mo sumama hahalikan kita," pagbabanta nito. Nanlaki ang aking mga mata. As if naman kung hahalikan niya talaga ako. Alam ko na hindi niya iyon gagawin dahil nandidiri siya sa akin. At napipilitan lang na samahan ako sapagkat pinakiusapan siya ni Tita-ninang.

 "This would be your first kiss," panunuya niya pa. Napalunok ako sa sarili kong laway. Nang walang hirap na hinakbang niya ang natitirang distansya sa pagitan naming dalawa. 

"F-fine! Sasama na ako," I claimed not hundred percent sure. I was forced not willing to come. "Sasama naman pala. Gusto mo lang mahalikan," He grinned devilishly.

I had no choice but to come with him. Am I that gullible na ba? He just mentioned the 'kiss' and my mind instantly decided to go with him and my mouth confirmed it's a 'yes. Sa totoo lang ayoko naman talaga na halikan niya ako. 

Gusto ko ang first kiss ko ay ang lalaki na kaya akong protektahan kahit ano man ang mangyari. It may sound cliché but who cares? Ganoon ang kalimitan na hiling ng mga babae. I am not generalizing, though.

 Kalaunan ay sumama na lang din ako. Hindi ko naman nais na kagalitan siya ni Tita-ninang dahil lang sa akin. Kahit pa pinilit lamang ako. Kahit pa hindi rin naging maganda ang paraan niya upang mapapayag ako sa gusto niyang mangyari. 

Red Teasing The Dark 1 ✔Where stories live. Discover now