28

51 4 2
                                    

"Hindi naman tayo magkaaway?"

Napanguso kaagad siya nang sumulyap ako sa kanya. Huminga siya ng malalim at ibinalik ang ulo sa balikat ko.

"Lamig.." Halakhak niya.

Napasinghap nalang ako para pigilan ang ngiti ko. Hindi ko naman talaga kayang tiisin siya. Siguro, sadyang apektado lang ako dahil sa ex niya kanina.

Syempre, iniisip ko.. ano nga naman ba kami di ba? Hindi naman sa wala akong tiwala kay Jean pero alam kong hindi ko rin maiiwasang hindi maapektuhan.

Magpatuloy ang kwentuhan ng mga matatanda hanggang sa pumasok ulit si Dainty para sunduin kami ni Jean. Sumulyap kaagad si Jean sa akin at tinanguan ko naman siya bago tumayo.

We went outside the transient house and I immediately saw the bonfire they prepared. Nasa dalampasigan 'yun at kahalera rin ng iba pang bonfire na ginawa ng mga nagbabakasyon.

Binigyan kaagad kami ng space ni Kuya Jairus. Bahagya pa siyang ngumisi nang makita ang magkasalikop na kamay namin ni Jean.

"Walang matutulog hanggang hindi ubos 'to ah!" Tawa ni Kuya Jaye nang buksan niya ang cooler.

Natimpla na pala nila at hindi ko alam ang nakalagay na alak doon. May mga nakita lang ako na gummy worms, candies na nakalutang kasama ang nga yelo. The drink is in color red too so I assumed na strawberry flavored juice ang nilagay nila doon.

"Easy. Nakaka all day no nights nga tayo, ngayon pa ba ako hihina?" Mayabang na tanong ni Kuya Jairus.

Natawa ako ng bahagya doon nang umupo sa tabi ni Abi. Nagprepare pa talaga siya ng sarong para hindi kami madikitan masyado ng buhangin.

"Matagal ka nang mahina, Kuya.." Si Jean.

Dainty laughed. "Oh, 'wag susubukin si Jean. Never ko pa talaga nakitang malasing 'yan!"

"Makikita mo ngayon!" Tawa ni Kuya Jaye saka bumaling sa akin. "Malakas ka ba, Stell?"

"Oo, malakas 'yan. Diba nagbabar 'yan sabi ni Jean?" Si Abi.

Nahihiya akong nagkibit balikat. Hindi ko alam ang tolerance ko pero may mga time na talagang nalasing na naman ako dahil sobra at halo halo na talaga ang ininom namin noon.

"Doon kayo nagkakilala 'di ba?" Si Dainty.

"Unang nagkita." Pagtatama ni Kuya Jairus.

Tumango si Jean. "Paulit ulit ko nalang kinukwento tuwing makakausap niyo ako tapos tanong parin kayo ng tanong.." Aniya.

Sabay sabay silang napatingin sa akin para tantsahin ang reaksyon ko. Alam kong nahuli din nila ang pagtingin ko kay Jean.

Napanguso siya at saka ako bahagyang nginitian. "You should know by now that everyone close to me knows you exists.." Mahinang sambit niya.

Narinig ko ang halakhak ni Kuya Jairus at ang pagdapo ng tuwalya sa pagitan namin ni Jean. Binato niya si Jean dahil mukhang narinig ang sinabi ng kapatid.

"Cheesy mo gago. Ikukumpara na naman ako ni Dainty sayo panigurado."

"Galingan mo magbigay ng assurance, Jean. Malakas kalaban ang ex," Ani Abi.

"Walang laban. Wala naman akong pakialam do'n." Mabilis niyang sambit.

I sighed and looked away. Nagtawanan sila at pinuri pa kinalaunan si Jean bago nagsimulang magbigay ng red cups si Dainty na may lamang timpladong alak nila.

I tried to sip on it. Hindi na lasa ang vodka pero alam kong malakas ang tama dahil mainit sa sikmura. Kaya kung baguhan lang siguro sa inuman at matitikman 'to, baka hindi na nila maramdaman na nakakalasing talaga.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now