13

54 4 353
                                    

"Ikaw, hindi ka oorder?"

Bahagyang tumalikod si Sid sa counter para harapin ako. Naalalang hindi ko pa pala nababayaran ang kinain ko sa McDo.

"Matcha Tea, 50% sugar, less ice," Sabi ko sa cashier na naghihintay ng sagot ko. Inabot ko din ang 500 ko pero binaba ni Sid ang kamay ko. Bahagya tuloy akong nagulat.

"Ako na,"

"Kailangan ko ng barya. Saka hindi pa kita nababayaran,"

"Kulang 'yang 500. Tatlo order ko, oh," Tinuro pa niya ang bill sabay abot ng 1000 bill niya sa cashier.

Sinamaan ko tuloy siya ng tingin pero hindi niya ako pinansin. Napahalakhak lang siya lang siya nang maabutan ang tingin ko.

"Icocompute ko utang ko,"

Naghanap ako ng libreng upuan doon para umupo. Sumunod naman siya sa akin dala dala ang buzzer para sa number ng order namin.

"'Wag na," Aniya pagkaupo sa tapat ko.

"'Wag kang generous dyan masyado,"

He chuckled. "Next time mo nalang ako bayaran,"

"Next time pa. Ngayon na oh! Magpapabarya ako sa cashier!" Ambang tatayo na ako nang hinuli niya ang kamay kong hawak ang pera. Agad ko tuloy binawi.

Hindi pa nga ako nakakaget over kanina tapos nakailang hawak na siya unintentionally sa kamay ko.

"Treat mo nalang ako ng chicken wings," aniya.

Umismid ako at bumalik sa pagkakaupo. "Ngayon na? Hindi ka ba nabubusog?"

Ngumuso siya at umiling. "Next time.."

"Oh, so may next?" Tinaasan ko siya ng kilay at pinipigilan ang pagngiti ko.

Tumango siya, "Unless ayaw mong magbayad," Kibit balikat niya.

Sinamaan ko ulit siya ng tingin. Wow ha! Talagang nagamit niya pa sa akin 'yon.

"Magbabayad ako!" Apila ko na ikinatawa niya.

"Okay, chicken wings. Kailan?"

Napairap ako sa kanya. Wow naman 'to. Hindi pa nga tapos ang araw namin ngayon, nagpaplano na ulit.

"Hindi ko pa alam,"

"Uy, red flag," Tawa niya.

"Hoy! Grabe ka! Maka red flag 'to! Busy lang ako!"

He laughed again and nodded. "Joke lang. Sabihan mo lang ako," He smirked.

Bahagya tuloy akong napatitig sa kanya. Medyo naiisip ko padin ang nalaman ko. This is Jeanpierre right here. Ang gwapo niya talaga, hindi makatotohanan.

Nag buzz na din ang number na hawak niya kaya tumayo na din siya para kunin ang orders namin. Buti maganda ang bags kapag take out dito tapos maganda din ang packaging kaya hindi mahirap kahit madami siyang inorder.

"Here's yours,"

Inabot niya sa akin ang order ko saka niya ako binigyan ng straw na naka sealed pa. Binuksan ko na 'yon dahil balak ko na sanang inumin habang naglalakad kami pa LRT. Ginaya din naman niya ako at humigop na din siya.

"Gusto mo?" Offered niya.

Umiling ako, "Ikaw?" I offered too.

Tumango siya at lumapit agad. Inilag ko tuloy dahil nandoon pa ang straw ko. Ang un-ethical naman kung straw ko ang gagamitin niya diba?

"Bakit mo iniwas?" Natatawa niyang tanong.

"Straw." I pointed out. Kumunot ang noo niya at umiling.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now