17

64 4 382
                                    

"Sana nag rice meal nalang tayo!"

Pang ilang baso na namin 'to ng fishball at kwek-kwek. Bumili na din kami ng tig isang buko juice.

"Mas masarap nga kapag ganito!" Tawa niya saka niya kinagat ang fishball na nasa stick niya.

"Hindi healthy!"

"Kailan ka pa naging conscious sa pagkain mo? Wag ako, please," humalakhak siya saka nagbayad na sa manong bago kami lumipat ng food cart para naman sa kalamares.

Para siyang batang pinakawalan sa kalye ar ngayon lang nakakain ng streetfoods. Sobrang busog na ako pero natatakam din ako sa tuwing sinusubuan niya ako.

"Last na talaga! Ayoko na!" Sambit ko saka kinagat ang kalamares. Tumango naman siya at tumawa saka kinagat ang isa pang piraso.

Pakiramdam ko, masasagad talaga ang pera namin sa wallet dahil dito. Nakailang bili pa siya ng kalamares bago ako niyaya sa bilihan ng buko juice ulit.

"Kuya tig sampu po," Aniya.

"Orayt, pogi! Wait lang!" Ani ng kuya saka nagtakal para kay Jean. Iniabot naman ni Jean ang bayad kapalit ng buko juice. Uminom siya doon at nakalahati niya.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa adam's apple niya sa tuwing lumalagok. Ang lakas maka manly ng ganoon, tapos idagdag pa na ang swabe din at effortless ng kilos niya palagi.

Madilim na ang langit dahil alas sais na ng gabi. Busy na din ang street na ito dahil sa dami ng karinderya at makakainan. Dismissal na din ng karamihan kaya sobrang daming estudyante.

Kaunti nalang, masasanay na ako sa mga matang dumadapo sa amin ni Jean. Ganito din kami noong nasa Morayta. Madalas talagang pinagtitinginan siya.

"Jean.." tawag ko sa kanya habang naglalakad kami, naghahanap ng kakain pa.

"Hmm?"

"Aware ka ba na pinagtitinginan ka palagi ng mga tao?" Tanong ko saka sumulyap sa kanya. Sobrang obvious ng height difference namin. Masyado siyang matangkad.

Umiling siya. "Pinagtitinginan ako?"

Tumango ako. "Nay nagbubulungan pa nga." Tumingin ako sa paligid. May nakita na naman akong ilang highschool student na pasimpleng tinuturo si Jean.

"Weh? Totoo ba?" Humalakhak siya. Tumango ako. "Hindi ko alam. Baka sanay na?"

"So inaadmit mo na talagang pinagtitinginan ka?"

Tumawa siya at umiling. "Madami ding nagsasabi. Lalo na kapag sa bar. Minsan inaabutan ako ng tissue na may number.."

"Oh, anong ginagawa mo naman don?"

"Wala. May girlfriend ako nung time na 'yon kaya tinapon ko. Hindi ako gago, e."

Oh, right. Yung ex niya ba na nakita namin noong nakaraan sa youniversity suites?

"Paano kung wala kang girlfriend tapos may nagbigay? Itetext mo?"

Nagkibit balikat siya. "Depende sa mood. Syempre kung single naman ako at walang kausap, kung gusto kong pumorma, poporma ako." Aniya saka gumilid para itapon sa basurahan ang cup.

"Natry mo na?" Tanong ko. Napabaling siya sa akin.

"Ang alin? Pumorma? Oo, diba? Sayo? Tinanong ko pangalan mo?"

Ako? Ako lang ba?

"Sa iba?" Tanong ko ulit.

Ngumuso siya na parang nagiisip bago tumingin sa akin. "Ata? Hindi ko na maalala. Ikaw lang kasi pinormahan ko after noong ex ko."

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now