11

51 4 412
                                    

I feel tensed. Paulit ulit ko pang pinupunas ang kamay ko sa pants ko dahil namamawis na 'yon sa kaba.

"Gutom ka na?"

Napatingin ako saglit sa kanya. He's watching my every reaction. Pakiramdam ko, ramdam na ramdam din niya ang kaba ko.

He chuckled and checked his phone. Saglit lang at pinatay niya din. Parang tinitingnan ang oras. Ako naman, napatitig sa kanya habang ginagawa 'yon.

Ganito din ang itsura niya last time. Silver na specs. Bagsak ang buhok. I have a lighter shade of skin than him. Head turner, 'to, sure na ako.

This looks, this built is really familiar.

Naalala ko bigla si Jeanpierre. Kuya niya kaya 'yon? Parang kaboses noong kausap niya nung nakaraan, e.

"Ako na oorder, anong gusto mo?"

Naputol ang iniisip ko nang magtanong siya. Kinakabahan padin ako dahil first time kong gawin 'to pero feeling ko naman magiging comfortable na ako kapag tumagal.

"Chicken sandwich at fries lang.."

"Sundae?"

"May sinabi ba ako?" Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko sinasadya!

Humalakhak siya. Akala ko maiintimidate siya!

"Taray.." Mahinang sabi niya.

Kinamot ko ang sentido ko at huminga ng malalim, kabang kaba padin.

"Chicken sandwich, fries, and water.. bottled water," I cleared and reached for my wallet. Nasa bag ko kasi.

Tumango siya at tumayo na kaya nagmadali ako sa pagkuha ng pera. Iniabot ko nalang ang 500 bill ko.

"Ako na," Aniya.

"Eto na. Smaller bill,"

Humalakhak ulit siya, "Small ba 'yan?"

I pouted. He chuckled again. Ngumiti muna siya sa akin saka umalis na para umorder.

Agad kong dinampot ang phone ko mula sa bulsa. Nanginginig pa ang dalawang kamay ko pero nagawa ko namang magchat sa gc namin.

Me: kasama ko na

ruthless: holy shit kamusta?!!!!

joshmiyo: ingaaaat and enjoy stella!

altheamarie: daan ba ako dyan? taga picture niyo lang

evantot: magingat hoy

Me: thank u josh ingat din kayo!

evantot: hanggan dito ba naman

miguelito: HAHAHAHAHHAHA ingat stella

miguelito: send pic

Me: nakakahiya gagu :(

I sighed again. May lumabas pa na notification mula kay Sid.

Hanggang ngayon, lutang padin ako sa nangyayari. Hindi ko padin maisip na nakaharap ko na siya ngayon. Nakausap pa!

First time ko 'to. Kahit hindi naman 'to ang first date ko dahil may mga napakilala na din naman sa akin pero kasi ngayon lang ako nakipagkita na ako lang. Dati naman, kahit may kadate, kasama ko ang mga kaibigan ko kaya hindi ganitong nakakakaba.

Saka sa lahat ng nakadate ko, si Sid ang pinaka may itsura 'no.

Sid: large fries?

Me: yup

Sid: yun lang?

Me: oo

Hindi na siya nagreply pagkatapos noon. Inabala ko nalang ang sarili kong magbrowse sa phone ko habang naghihintay sa kanya.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ