9

54 4 287
                                    

Bumuntong hininga ako at binitawan ang cellphone ko. Hindi na maganda ang pakiramdam ko sa mood ni Sid.. or baka ako lang ang nakakaramdam noon?

Sinadya ko nalang munang hindi siya replyan. Medyo naiilang din akong kausapin siya dahil mukhang hindi siya natuwa sa tanong ko kaya binuhos ko nalang ang atensyon ko sa pag aaral kaso nga lang, naglalakbay ang utak ko.

Nakakainis. Ako pa 'tong affected ngayon, e, wala naman akong kasalanan!

Sa huli, dinungaw ko padin ang phone ko. Walang messages niya so hinayaan ko nalang. Binrowse ko nalang 'yung mga screenshots na nakuha ko.

I was thinking if I should follow Jean on Instagram pero kinakabahan din ako. Baka mamaya kung ano pang isipin niya.

"Teh, may ulam pa doon. Kumain ka na," Paalala ni Irene sa akin.

"Sige, mamaya na ako," Wala pa talaga akong gana dahil hindi pa nagrereply si Sid.

Naisip ko baka naoffend siyang nanghimasok ako sa buhay niya. Malay ko ba sa dating app culture na 'to.

Nilobo ko ang pisngi ko at nagtipa ng chat. Minsan lang ako maunang magchat sa kanya, sa ganitong lagay pa!

Me: i'm sorry. wag mo nalang isipin ang tinanong ko

Me: nacurious lang ako but you don't have to worry.

I bit my lips as I sent it. Nilapag ko na muna sa kama ang phone ko at nagpasya nalang kumain kahit wala akong gana.

Parang may kung anong malas ata kay Kyle, e. Dapat hindi na ako nagtanong. Hindi tuloy kami okay ngayon.

Paano 'yon... balak pa naman naming magkita bukas.

"Stella, vibrate ng vibrate phone mo, baka importante!" Sigaw ni Irene mula sa kwarto.

Natataranta akong tumakbo doon habang hawak hawak ang sandok. Tiningnan ko kaagad ang screen at nanlumo nang makitang panibagong groupchat lang 'yon.

"Wow. Very attentive, ha," Natatawang puna ni Kate sa akin. "Yung mga ganyang kilos, may something, e.. May hinihintay ka ba?"

"Wala,"

Umupo muna ako at nagtry ulit na magchat kay Sid.

Me: galit ka ba?

Me: wag mo nang isipin 'yon

Me: sorry kung naoffend ka dahil sa privacy mo

"Wala talaga?" Tanong ulit ni Kate pagkalapag ko ng phone.

"Wala nga!" defensive kong sagot saka bumalik sa kusina.

"Sige lokohin mo pa sarili mo," Pahabol niya.

Kumuha nalang ako ng pagkain saka ulam. Nawawalan talaga ako ng gana bigla. Hindi kasi ako sanay nang may kaaway or hindi ka okay. Tapos si Sid pa, sanay pa naman akong okay ang chats namin.

"Away kayo?" Umupo si Magui sa harap ko.

"Huh? Nino?"

Hindi ako tumitingin sa kanya. Baka asarin lang ako, e.

"Nung katawagan mo gabi gabi," Natatawa niyang sabi sa akin.

"Bakit naman kami mag-aaway?"

Sa totoo lang hindi ko din alam kung paano sasabihin sa kanila ang nalaman ko. Siguro dahil baka pangit ang isipin nila saka kasi wala talaga ako sa tamang pag-iisip para magdecide lalo na't hindi ko pa din napprocess 'to.

"Stella Beatrix, may tumatawag!" Naputol ang pagiisip ko dahil sa sigaw ni Kate.

Huminga ako ng malalim at binalewala sila. Pagttripan lang nila ako, e.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें