3

64 7 205
                                    

"Oh saan ka?"

Lumilinga linga ako sa paligid at nagpasyang lumabas sana nang harangin ako ni Magui. May dala siyang pulang cap at mukhang nagulat dahil sa pag-alis ko sa table.

"Lalabas lang saglit. Babalik ako!"

"Bakit ka lalabas?" Takang tanong niya.

"Ah! Basta!"

Hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanya. Ano bang sasabihin ko? May kikitain lang ako? Wait may titingnan lang? Wait makikipag meet up lang? Nappressure ako!

"Sige, girl. Balik ka agad, ha! Baka mamaya umuwi ka, e!"

"Saglit nga lang ako!"

Nang tumango siya, gumilid na din siya para makadaan ako kaya dali dali na akong bumaba. Sobrang daming tao at halos dumoble pa kaya mas nahirapan akong lumabas. Idagdag pa na nakakahilo na ang ilaw ngayon dahil sa mga anino ng tao.

Me: palabas na akooo

Me: san ka? sa harap o sa gilid?

Nakapag multi task pa ako at nagchat kay Sid kung nasaan siya. May tables kasi sa gilid at sa harap kaya hindi ko alam kung saan siya.

Me: malapit na ko makalabas ang daming tao

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad at halos itulak ko na ang mga nakaharang sa harap dahil sa pagmamadali ko kaso nga lang may humigit naman ngayon ng jacket ko. Halos mahubad na sa akin!

"Punyeta-" Natigilan ako sa paghatak pabalik ng jacket ko nang makita ko ang nasa harap ko

"Saan ka? Uwi na?" Tanong niya.

"Hindi pa!" Pasigaw kong sabi at nagpatuloy nang maglakad.

Nakabuntot lang siya sa akin hanggang makarating ako sa exit. Nang makalabas ako nag chat ulit ako.

Me: nasan ka na hoy nasa labas na ako

"May iniintay ka?" Tanong ulit ng nakabuntot sa akin.

Binalingan ko siya at pinang singkitan ng mata. Natatawa siyang pinanood ang reaksyon ko.

Gwapo naman talaga 'tong si Jeanpierre pero kasi may iba naman akong agenda dito. May kikitain ako! Eh kung nandito siya ngayon tapos makikita ako ni Sid, edi masisira na agad image ko? Imagine, makikipag meet up ako tapos may kasama naman akong iba?

"Woah, chill. Balik na ako sa loob," ngumiti siya ng saglit at tumalikod na para bumalik sa loob.

"Buti naman," bulong ko.

"Tss," pailing na tikhim niya saka nagtuloy ng paglalakad.

Chineck ko ulit ang phone ko habang naglalakad patungo sa parking lot nang makitang may message. Dali dali ko 'yong binuksan at umupo na muna saglit sa flower pot na bato.

Sid: pumasok kami sa loob

Halos manlalag ang panga ko doon. Baka mamaya isa siya sa nakabangga ko?

Me: so nasa loob pa kayo?

Sid: yep palabas na

Me: hintayin kita?

Sid: girls shouldn't wait for guys tho

Sid: i feel pressured lol

Me: okay lang naman, no big deal. medj hilo na din ako sa loob kaya ako lumabas

Sid: so di ka lumabas para sa akin?

Natawa ako at sinuklay ang buhok saka nagtype ng reply.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon