29

47 3 3
                                    

"Tuloy ba? Magpapaalam na ako kay Mama." Si Evan.

"Oo nga teh, kulit ng lahi mo." Si Ruth.

"Ang labo niyo kasi. Pabago bago kayo. Ano EK na?"

"Wala bang perya? Para mura lang entrance fee." Reklamo ni Thea.

"Kuripot.."

Natawa ako habang pinapakinggan silang mag usap sa video call tungkol sa plano namin bago ang end ng semestral break.

"Ano, g na? Sino pang need ipagpaalam?" Tanong ni Migs.

"Wala na. Okay na yata. Sino magdadala ng jowa?" Tanong ni Ruth.

"Syempre ako." Agad na sabi ni Thea.

"Lul, wala ka non." Si Evan.

"Lul ka rin. Wala ka din non." Irap sa kanya ni Thea.

Hanggang video call talaga, nagagawan nila ng paraan para mag away.

"Si Ginpom ba, kasama?" Tanong ni Josh.

Nagkibit balikat ako at sinulyapan si Jean. Nasa sasakyan niya kami ngayon habang ka video call namin ang mga kaibigan ko. Nagkita muna kasi kami bago siya bumalik sa Manila mamaya.

"Sama ka?" I asked him.

Nagkibit balikat din siya. Para bang hinihintay akong magdesisyon kung isasama siya.

"Sama mo na girl. Nahiya ka pa sakin. Basta kamo magdala ng kaibigan." Tawa ni Thea.

"Si Kyle ba?"

Thea pouted. Binaon niya ang mukha niya sa unan at halatang kinikilig siya dahil sa tawa niya.

Jean chuckled beside me too. Tiningnan ko siya saglit at tinanguan niya ako bago siya magtipa ng kung ano sa phone niya.

Ilang saglit pa, may sagot na siya kay Thea.

"Sige daw basta payag kaibigan." Si Jean.

"H-Ha?" Nauutal na tanong ni Thea.

Malakas na tumawa si Evan, "Hatdog. Sasama daw basta payag kami." Paliwanag niya.

"Syempre payag na ako para bawas gastusin ko. Papalibre na naman 'yan samin ni Kolene panigurado, e." Si Josh.

"Grabe ka naman!" Depensa ni Thea.

"Oh g na! Sa Sabado 'to. Saan tayo magkikita kita?" Tanong ni Ruth.

"Byahe ba talaga?" Tanong ni Evan.

"Oo. Hindi raw pwede sasakyan nina Migs kasi gagamitin din, e." Si Ruth.

"Ako na kamo. Sabihin mo." Kinulbit ako ni Jean kaya napasulyap ako sa kanya. "Sasakyan na namin." Dagdag pa niya.

"Nakakahiya. 'Wag na!" Ani ko sa kanya.

Mukhang hindi naman kami nahahalata ng mga kaibigan ko dahik naguusap usap na sila tungkol sa byahe na gagawin.

"Hindi papayag si Mama kapag sinabi kong magbbyahe lang tayo kung pwede ko naman kayong ipagdrive." Paliwanag niya.

"Kahit pa! Nakakapagod magdrive!"

"Ayos nga lang 'yon. Saka kasama si Kyle, marunong din naman 'yon edi salitan kami."

I pouted a bit. Napahalakhak naman siya at mahinang pinitik ang noo ko bago tinuro ang laptop. Inuutusan na sabihan ko na sa mga kaibigan ko.

"Bobo mo talaga Evantot, bus nga diba, anong tricycle sinasabi mo dyan?" Inis na sabi ni Thea.

"Magttricycle pa kaya papasok dun! Hindi 'yon dadaanan ng bus!"

"Oh, edi mag special ka. Basta walang utangan!" Si Thea.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon