14

66 3 353
                                    

Sabi ni Magui, madalas pagkatapos ng unang meet-up, dyan na pumapasok ang ghosting.

Sabagay, may point naman, kasi syempre, kapag nagkita na kayo, doon niyo maffeel kung magkavibes ba kayo o hindi.

Sa lagay ko, wala pa naman ako nararanasang ganon sa mga nakadate ko. Mas madalas, ako ang nang tuturn down lalo na kapag alam kong walang patutunguhan.

Kaso ngayon, ewan ko nalang.

Sid: yo wazzup??? done na exam?

Me: yup yup, ikaw ba?

Sid: tapos na din. tara gala?

Pagkatapos ng unang pagkikita namin, nagtuloy naman ang conversation namin. So far, so good. Wala namang hint na igoghost niya ako. Sa katunayan, balak nga ulit naming magkita kaso hindi na matuloy tuloy dahil pareho kaming busy.

Two weeks na ata ang nakalipas noong nagkita kami so bale three weeks na kaming magkausap. Malapit na din palang magisang buwan.

Me: saan gala? p.noval?

Sid: kahit saan. kung gusto mo dyan sa malapit naman sayo.

Me: wala ka namang mapupuntahan dito!

Sid: kala ko ba madami dyan makakainan bakit wala na bigla? nademolish?

Napatawa ako nang mabasa ang tanong niya. Ewan ko ba kung ako lang pero parang ang inosente ng tanong niyang 'yon.

Hindi naman sa ayaw kong pumunta siya dito pero kasi masyado nang curious ang mga kaibigan ko sa aming dalawa.

Ayoko namang ipakilala siya tapos mawawala lang din. Saka isa pa, magkaibigan lang kami ni Sid. Ni minsan, hindi namin napagusapan manlang na mag level up dahil bukod sa maaga pa, maayos din naman kaming magkaibigan.

Itinatak ko na din kasi sa isip ko na maaaring hindi magtagal 'to. Siguro kaya overwhelmed ako ngayon kapag naiisip na umabot ng isang buwan 'tong paguusap namin. Bihira kaya 'yon.

Me: dyan nalang sa morayta ulit.

Sid: ikaw na naman pupunta?

Me: oo. bawal?

Sid: wala lang hahahaha hindi naman bawal

Me: okay, ako nalang pupunta.

Sid: okay. message mo lang ako. nasa mcdo lang kami ni Kyle at Alex

Me: okayyy

Kilala na niya ang mga kaibigan ko dahil minsan ko nang naikukwento. Ganoon din siya sa akin. Marami siyang circle of friends pero si Kyle at Alex talaga ang madalas kong naririnig sa kanya.

"Stell, sm tayo!" Yaya ni Migs sa akin.

"Ngayon?"

"Baka sa isang araw," Sabat ni Evan.

"Hindi ikaw ang kausap ko." Inismiran ko siya at hinarap si Migs na nagsasabit na ng bag niya sa balikat. "Ano gagawin natin don?"

"Arcade? Quantum. Karaoke." Aniya.

"Sige pero saglit lang ako. May pupuntahan ako."

"Sus, saan 'yan? Date ulit?" Usisa ni Josh.

"After hell week deserve talaga natin ng landi!" Thea giggled.

"Landi landi. Nireto ka na kay Kyle bagal mo pa." Ani ko.

"I'm taking it slow, sis.." Kumindat pa siya.

Ewan ko sa kanya. Nilakad ko siya kay Kyle. Actually si Sid pala ang nagbigay ng pangalan ni Thea doon. Inaadd na siya at chinat, inisnob naman niya.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now