27

68 6 350
                                    

"Isa pa, 'yung magkakasama naman tayo!"

Kanina pa kami nagpipicture dito. Halos naubos na nga ang oras kakapilit nila na magpicture kami, maganda na rin kasi dahil pasunset na.

Naghanap si Kuya Jairus ng mapapakisuyuan na magpicture sa amin. Nang may nahanap, pumwesto na kami don.

"Si Sid at Stella sa gitna!" Dainty cheered.

Tumawa ang dalawang kuya ni Jean saka kami iginitna. Nasa magkabilang gilid namin 'yung magjojowa. Si Kuya Jaye, nakayakap kay Abi mula sa likod. Ganoon din sina Dainty, nakapulupot naman ang braso ni Kuya Jairus sa bewang niya, samantalang kaming dalawa ni Jean, hindi alam ang gagawin.

Actually, I'm clueless. Basta ngumiti nalang ako sa camera at naramdaman ko nalang ang pag akbay ni Jean sa akin. On the next shots, he even tried to rest his chin on the top of my head.

Sunset na nga nang natuloy kami sa pag eenjoy at pagtatampisaw sa dagat. Hindi kami masyadong pumunta sa kalayuan dahil baka matatalas na ang mga bato kaya dito nalang namin inenjoy.

We dip on the water for about thirty minutes before we decided to enjoy the sands instead. Habang nag lalangoy ang magkakarelasyon sa harap namin, kami naman ni Jean, nanatili nalang nakaupo sa buhangin at hinahayaan ang alon na basain kami.

A while ago, our talk ended in a complete silence. Isang bagay na palagi ko yatang mararamdaman sa kanya. Katahimikan pero payapa ang nararamdaman, hindi kailangang kabahan kasi para walang mangyayaring mali.

"High tide na, pansin mo?" Jean asked.

Tumango ako. Napansin ko nga 'yon kanina sa mga rock formations. Lumalalim na ang tubig doon, hindi katulad kanina na hanggang ilalim lang ng tuhod namin.

"Maganda dito kapag gabi kasi maraming nagbobonfire."

"Sabi nga ng kuya mo, magbobonfire daw?"

"Oo, bumili din sila ng alak. Umiinom ka naman diba?" He asked.

I nodded.

"Good, pero moderate lang ha? Wala tayo sa bar." He chuckled.

"Hindi pa ako nalalasing sa bar, 'no.."

"Weh? Mukha kang lasing nung nakita kita." Aniya.

"Nakakahilo kasi no'n. Maraming tao." Paliwanag ko.

"Gago naaalala ko akala ni Kyle knock out ka na sa hagdan," tumatawa na siya ngayon.

Napanguso ako at naalala nga 'yon. Grabe naman kasi manulak 'yung mga tao 'don.

"Ginpom pa tawag mo sakin."

Wow naman din talaga 'to, nagrereminisce pa yata.

"Katunog naman ng pangalan mo. Cool nga, e." Sabi ko pa.

It's just months ago when it all started buy it feels so long already. Tuwing maiisip ko na tatlong buwan palang kaming magkausap, parang hindi ako makapaniwala.

He chuckled too and started drawing something on the sand with a thin branch of a tree. Smiley, heart, pangalan niya, pangalan ko, kung ano ano lang, at sa huli, "siopao".

"Nakakainis naman, kanina pa 'yan!" Reklamo ko.

Hindi na talaga niya ako tinigilan sa siopao na 'yon. Pinicture-ran pa nga niya ako habang hawak niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay, e!

"Favorite ko na siopao dahil sayo." He laughed.

Hinampas ko ang bandang tiyan niya. Nagmarka sa shirt niya ang buhangin mula sa kamay ko kaya pinagpag niya. Pinanood ko lang siya hanggang sa bigla niyang iangat at saka hinubad.
Nanlaki kaagad ang mga mata ko sa katawan niya. First time niyang maghubad sa harap ko kaya nagulat ako. Mga kuya niya lang kasi ang naka topless kanina, siya ang hindi kaya nagulat ako ngayong naghubad na rin siya.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now