21

46 5 388
                                    

"Ako na bahala sa formatting pati sa hardcopy."

"Sure, tatapusin ko lang 'to para wala ka nang ieedit," Sagot ko kay Spade habang pinoproof read ang case digest namin. Pati si Jean, nakikinood din sa ginagawa ko at chinecheck din kung tama.

"Ako na din magpapasa. May finals kayo sa ibang subject bukas diba?" Tanong niya.

"Oo," Sumulyap ako saglit sa kanya bago iclick ang save.

Finally, natapos din. Mabilis pa kaming kumain kanina para magawa 'to, konting revisions nalang pala ang gagawin. Sadyang maarte lang ang professor namin.

"Ayan, tapos na.." Sabi ko saka inikot ang laptop para maharap niya.

Siya naman ngayon ang nagbasa. At habang hinihintay ko na matapos siya, kinausap ko muna si Jean. Kanina pa siya tahimik, e. Hinayaan niya lang kaming dalawa ni Spade na magusap.

"Bukas na ang alis niyo?" Tanong ko sa kanya at bahagya siyang hinarap.

Nagpangalumbaba naman siya at tumango. He lookes tired and sleepy.

"Tapos kailan kayo babalik?"

"After ng holiday. November 3," Aniya. "Ikaw? Wala kayong out of town?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Wala. Uuwi lang sa ancestral house siguro.. tapos babalik din ako dito kasi nagplano sina Ruth na magovernight,"

Tumango tango siya. "Kailan 'yung overnight?"

"After din ng holiday. Second week pa naman ang class namin so pwede pang isingit,"

"Okay, magbabait," He chuckled a bit and laid his head on the table.

"Antok ka?" Tanong ko.

"Konti.."

"Wala ka nga palang tulog 'no? Kakaaral.." Sabi ko habang bahagyang nilalaro ang buhok niya. Hinayaan niya lang naman ako.

"Kapressure ka, e," halos pabulong niya nang sabi dahil mukhang napapaidlip na.

Pinagpatuloy ko lang laruin ang buhok niya habang naghihintay kay Spade na matapos. Sobrang lambot at bagsak ang bukok ni Jean kaya nakakatuwang paglaruan. Lalo pa nga yata siyang inantok dahil doon.

"Okay na 'to.." Si Spade.

Napabaling ako sa kanya at tinigil ang ginagawa. "Wala ng problem?"

Umiling siya saka pinatay ang laptop at nilagay sa bag niya. Humarap siya kaagad sa akin pagkatapos gawin.

"Okay na 'to. Mamaya pa ba kayo?" Tanong niya habang tinitingnan ang wrist watch.

"Hanggang 3pm pa break ko, e.. Mamaya pa siguro," Ani ko.

Tumango siya. "Uuna na ako. May class pa ako ngayon, e," Aniya habang inaayos ang bag.

"Sure sure. Ingat.. chat mo nalang ako kapag may kailangan pang gawin.." Ani ko.

Napahalakhak siya bago tumango at tinuro si Jean, "Patulugin mo,"

Napahalakhak ako, nakatulog na nga yata 'to e.

"Jean, aalis na si Spade.." Tapik ko sa kanya.

Hindi umahon ang ulo ni Jean, "Ingat kamo. 'Wag ka na sana niyang guluhin," Aniya.

Tumayo na din naman si Spade kahit natatawa pa sa sinabi ni Jean. Hindi na din nagtagal ay umalis na siya dahil mukha ngang malelate pa siya sa klase niya.

Naiwan kaming dalawa ni Jean. Siya, tulog, ako hindi alam ang gagawin. Mahaba pa ang oras dahil 1pm palang kaya naisip ko munang umuwi sa dorm para magpahinga. Nakakapagod din kasi, kulang din ako sa tulog. Kaso iniisip ko si Jean, alangan namang pauwiin ko 'to?

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now