23

57 7 447
                                    

Jean: send location pls

Me: lagot ka talaga kay papa!

Jean: kaya nga magpapaalam, e.

Me: 'wag na ngaaaa. magkita nalang tayo pagbalik ko sa manila

Jean: teka tatawag ako

Napasinghap ako at hinayaan siya sa gagawin niya. Hindi rin yata tumagal ng isang minuto ay pumasok na ang tawag niya sa akin. Video call kaya bumangon pa ako para sagutin.

Ang aga aga pa at kakagising ko lang. Nagising lang rin ako sa missed calls niya kaya nakausap ko kaagad siya sa text.

Nag appear kaagad ang mukha niya sa screen. Nakasakay sa sasakyan at mukhang nag dadrive dahil naririnig ko rin ang pag busina ng sasakyan niya. Side profile niya lang ang kita dahil nasa daan ang atensyon niya.

"Saan ka?" Tanong ko, inaantok at humihikab pa.

"Papunta na nga ako dyan. Ayaw mong isend location mo,"

Napataas kaagad ang kilay ko sa pagtataka. Saglit siyang tumingin saka ngumiti. Naka specs siya at bagsak ang buhok, mukhang kakaligo lang.

"Hindi ako nakikipagbiruan. Kakagising ko lang,"

Tumingin siya sa screen at napangiti, "Halata nga.."

Napanguso ako at pinatay ang camera dahil doon. Nakakahiya! Masyado nga yatang halata na kakagising ko lang! Chineck ko pa kung may muta pa ba ako o tuyong laway sa pisngi. Wala naman.

"Oh, bakit mo pinatay camera mo? Liligo ka na?" Tanong niya.

"Kakagising ko nga lang!"

"Maligo ka na. Mabilis lang byahe ko, walang traffic."

"Pupunta ka nga dito?" Tanong ko pa. Aba syempre, agang aga bubulabugin ako ng message niya.

"Oo nga. Wait, send ko location ko," He clickec something on the screen at nagpop up naman ang message niya sa akin. Location niya!

Nasa Batangas pa siya pero malapit na sa bungad namin kaya nakaramdaman na ako ng kaba. Akala ko nagbibiro lang siya pero seryoso nga yata ang sinabi niya.

"Ano, hindi ka pa din maniniwala? Maligo ka na nga. Mag ayos ka na rin ng damit,"

"Hindi nga ako papayagan!"

"Papayagan ka kapag nagpaalam ako. Kapag hindi edi gamitin natin si Mama." Tawa niya.

"Talagang idadamay mo pa mama mo dito, e?"

"Suggestion niya 'yon. Kaya kung ako sayo, maliligo na ako."

Napairap ako at napabangon na. Bahala na talaga kung totoo man sinasabi niya, basta ako hindi ko isesend ang location ko. Bahala siya dyan, aba!

Hindi ko na inend ang tawag. Iniwan ko lang sa kama ko habang mabilis ako naligo. Hindi naman nagtaka si Mama kasi sanay siya na maaga ako mag ayos ng sarili kahit sa ordinaryong araw.

Nag T-Shirt lang ako saka simpleng maong shorts. Baka kapag nag pang-alis ako na damit, magtaka na si Mama at sabihing planadong planado 'to, e.

"Nakaligo na ako. Kakain lang kami." Sabi ko kay Jean pagbalik ko sa kwarto. Tumango lang siya at hinayaan ako. Natatawa pa nga yata siya sa itsura ko kasi nakatowel pa ang buhok ko.

"Magallanes na ako, alam mo 'to?"

Tumango ako.

"Okay, end mo na call. Kumain ka na.."

Sinunod ko din ang sinabi niya at lumabas na para mag breakfast. Nakasanayan na rin namin na sabay sabay kumain sa bahay kaya hinintay nila akong matapos sa pag-aayos.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon