PROLOGUE

172 10 65
                                    

“Always remember, someone's effort is a reflection of their interest in you.”

Binasa ko ng malakas ang quotation na nakita ko sa news feed ng facebook ko. Nilike ko iyon at sinave bilang photos.

Tama. Kaya iyon dapat ang palagi kong tatandaan.

Kapag nag effort, interesado. Kapag hindi, edi hanap ulit ng bago. Ganoon naman hindi ba? Ganoon dapat.

Lalo na sa katulad kong hindi ata talaga pinalad magkaroon ng masayang lovelife. Deputa, ano kayang kasalanan ko sa previous life ko? Siguro mabigat kaya hindi ako pinapalad ngayon.

Pero who knows? Sa dinami dami ng tao sa mundo, alam kong may isang tao na para sa akin. Hindi ko lang siguro mahanap pa kasi baka busy.

Busy sa acads, busy sa career, o baka nasa kamay pa ng iba? O baka din pakalat kalat lang sa tabi tabi? Baka nasa paligid ko, hindi ko lang alam kung sino, o baka naman afam? Taga ibang bansa? Foreigner? Half-half? Baka busy pa sa travels niya, oh malay ko, kung papalarin baka naman apo pala ng isang mayaman na business tycoon?

Paano kung ganon? Matapobre ang ina, nakakatakot ang ama, baka mamaya abutan ako ng sobre para hiwalayan ko ang anak niya dahil nakatakda palang ikasal sa iba. Parang ayoko ng ganoon. Gusto ko simple lang.

Masipag mag-aral. Masipag sa gawaing bahay. May social life. Responsable at may respeto sa mga babae. Hindi lang sa nanay at mga kapatid niya pero pati na din sa ibang babae. Bihira pa naman ang ganoon sa panahon ngayon.

"Paano ka pa nga makakahanap ng boyfriend kung masyadong suntok sa buwan ang gusto mo?" Bulong ko sa sarili.

Napailing nalang ako sa naiisip ko at pinatay nalang ang cellphone ko para makapag save ng battery. Traffic pa naman dahil rush hour kaya siguradong gagabihin ako pauwi sa dorm.

Umuulan pa. Nakikita ko ang mga taong nagmamadaling maglakad sa labas para humanap ng masisilungan, lalo na yung mga street vendors, nagkakagulo sila sa biglang pag bagsak ng ulan. Okay lang sana kung may magpapayong sa kanila katulad nung magjowang naghihintay sa waiting shed, eh kaso, wala. Magisa lang sila.

8:30pm. 9pm ang curfew sa dorm. Aabot pa ba ako? Lintek kasing history professor na 'yan, pinag tour pa kami sa Intramuros para sa gusto niyang output. Sa kanya ko talaga isisisi kapag nalate ako ng uwi at hindi ako pinapasok sa dormitory.

Pinilig ko nalang ang ulo ko sa bintana ng bus. Maluwag pa kaya wala akong katabi. Napatingin ako sa katapat kong upuan at napabuntong hininga.

Punyeta. Bakit may nagmo-momol dito?! Motel ba 'to?! Wala na ba talaga silang mapiling lugar?!

Ah, ayoko nang problemahin. Stress na ako ngayon. Binalewala ko nalang ang dalawa. Binuhay ko ulit ang cellphone ko at binuksan ang data. Naglaro nalang ako, okay pa nung una kaso may ads.

Kailangan ko pang maghintay ng 30 seconds dahil sa ads na pineplay. Damn kapitalism. Kahit saan nakikita ko.

Nang matapos ang ads, may lumabas pa ulit. Dating app.

Sus, totoo ba 'to? May nakakahanap ba dito ng jowa? Baka mamaya one night stand at fubu lang, ayoko naman ng ganoon.

Umusad din ang bus kinalaunan. Mabuti nalang wala ng traffic kaya nakadating ako sa building ng dorm, pasado alas nuebe. Nabasa pa ako ng ulan.

Pagdating ko sa dorm, tulog na sila Kate at Irene, mga kadorm ko, college din katulad ko. Si Magui, wala pa, siguro may night out at hindi uuwi dito.

Nilinis ko lang ang katawan ko para hindi magkasakit dahil sa ulan. Pagkatapos, humiga na din ako at nagpaantok muna sa cellphone.

Yung ads ng dating app, kanina pa labas ng labas. Pakiramdam ko, minumulto ako, eh. Cinlick ko 'yon at chineck ang reviews. Wow. May nagshare pa ng love story nila.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now