Late nga akong nagising kinaumagahan.
Pagkatapos kong mag frustrate kay Sid, pumasok na ako at umorder pa sina Magui ng tatlo pang tower kaya talagang nalasing ako.
Tamad na tamad akong bumangon. Mabuti nakapagbihis pa ako kagabi pagdating sa dorm. Si Magui, mas wasted kaya nakatulog na siyang iyon padin ang suot.
Dumiretso na ako sa CR para maligo at mawala ang sakit ng ulo. Pakiramdam ko sobrang dumi ko dahil sa dami ng alak na nainom ko at sa pawis ko sa bar kagabi.
Nang matapos akong maligo, gising na din si Magui. Nakasapo siya sa ulo niya at nakatitig sa tasa ng kape niya.
"Ayan inom pa!" Natatawang puna ni Irene.
"Manahimik ka. Nananapak ako ng kadorm." Si Magui.
Natawa lalo si Irene at napabaling sa akin pagkaupo niya.
"Lakas mag inom tapos may pasok kinabukasan. Paano 'yan Stell?" Natatawa niyang tanong.
Naglakad ako patungo sa dining table. Kinuha ko ang cereals ko at naglagay sa bowl. Kinuha ko din ang gatas sa ref at nilagyan 'yon.
"Easy lang, sis," Sagot ko saka umupo na.
"Easy talaga. Easy boys din." Natatawang sabi ni Magui sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Natawa siya sa akin saka sumimsim ng kape.
"Tanga, lumabas kami ni Troy kasi nagpasama magyosi, nakita ka namin may katabing lalaki," Pang aasar niya sa akin. "Gwapo, girl! 'Yun ba kinita mo?"
"Hindi!" Depensa ko. "Nakita lang ako noon sa bar tapos nagpakilala,"
"Weh? Ano name?" Tanong niya.
"Secret. Hanap ka iyo,"
Natawa siya sa akin at inirapan ako.
"Hard pass. Pero swerte mo ha, ang papi 'non!" Aniya.
"I know right. Ako lang 'to," Hinawi ko ang basa kong buhok at kumain na ng cereals ko.
Inirapan niya ako at natatawa.
Medyo maaga pa naman kaya hindi ako nagmadaling pumasok. Nakapag blower pa ako ng buhok saka ko chineck ang cellphone ko.
May message lang sina Evan sa akin na agahan ko daw ang pasok at sa school na kami maglunch dahil ganoon din ang gagawin nila.
Nagsuot lang ako ng simpleng low waist maong jeans, fitted na tshirt at sneakers. Hindi na ako nag ayos dahil masyado akong tinatamad dahil sa hang over ko.
Sid: mag vitamins ka kontra hangover
Me: magvitamins ka kontra tokis
Sid: HAHAHAHAHAHHAA
Sid: kung vitamins ka, ano ka?
Kumunot ang noo ko at nagisip ng sagot.
Me: Vitamins C
Me: C-Cingle
Sid: WOW WITTY HAHAHAHAHA
Sid: ako vitamins A
Sid: A-Available
Napangiti ako doon. Medyo nawala wala ang badtrip ko sa kanya.
Me: funny mo dyan ka lang
Sid: yie di na galit
Me: joke lang pala
Akala niya papalampasin ko ha. Napagod akong maghintay tapos hindi siya papakita. Sayang siya. Siya na sana ang unang solo meet up ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/235121670-288-k469390.jpg)
BINABASA MO ANG
I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]
General FictionThis is a fluff-realistic-fictional story that will revolve around college life where in, Stella Beatrix Alvarez, a 2nd year college student tried to find her luck in dating. [Word count per update 1000-3000]