12

65 4 300
                                    

"What the fuck..."

Nakatitig lang ako sa notification na natanggap ko. Hindi ko alam kung bubuksan ko ba o ano. Gulong gulo ako.

Bakit ito ang nag tag sa akin? Ibig sabihin ba...

He chuckled a bit. Binaba niya din ang phone ko na hawak ko para mapatingin ako sa kanya. Pilit ko siyang kinilala at inalala ang itsura ni Jeanpierre.

Magkapareho sila ng built. Ganito din katangkad si Jeanpierre. Hindi ko lang naisip ang posibilidad noon dahil hindi ko naman iniisip na mangyayari 'to.

"Hindi mo ako narerecognize?"

"Recognized as fuck, face lock ba 'to?"

Wala padin ako sa sarili. This guy is really getting to my nerves! Binabaliw niya ako!

"Hindi mo ako namukhaan?" He laughed.

Napaface palm nalang ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko para pakalmahin ang sarili. Just what the hell. What was that.. Ano 'tong nangyayari?

He's that guy. Si Jeanpierre siya? O ginagago lang ako ng lalaking 'to?

"Bakit hindi?" Tanong pa niya ulit.

Aba malay ko! Malabo ang mata ko pero hindi ko din alam kung bakit hindi ko siya namumukhaan. Saka isa pa, bakit hindi niya kaagad sinabi sa akin diba?

"Saglit nga lang, Sid.." Tinaas ko ang palad ko at pumikit. Nakaka frustrate! "God, I don't know! Sumasakit ang ulo ko!"

Hindi ko talaga hiniling na mastress sa lalaku ngayon, pero stress na stress ako. Masyado namang cliche nito. Iisang tao lang pala ang dalawang lalaking kinakiligan ko. What the heck!

He kept on laughing. Napahawak pa siya sa tiyan niya at nakita ko ang pagdaan ng dila niya sa loob ng kanyang pisngi.

"Huy, okay ka lang?" Tanong niya, pinipigilan ang tawa.

"Mukha bang okay lang ako? Gulong gulo ako!" Singhal ko pa na lalong nagpatawa sa kanya.

Tumango tango pa siya saka inayos ang buhok. Ewan ko kung pinipilit niyang itaas 'yon o ano. Nanalamin pa siya sa cellphone niya habang kunot noong inaayos ang buhok niya.

Ano namang ginagawa nito?

"Wala akong wax kaya hindi ko magawa ang buhok ko nung nagkita tayo.." Aniya.

Umirap ako sa kanya at sa paliwanag niya. Gulong gulo padin ako kahit alam ko namang cinoconvince niya lang ako.

Kinalma ko muna ang sarili ko. Hinayaan niya lang ako at tahimik lang siya sa harap ko. Uminom muna ako ng tubig bago nag salita.

"So kilala mo na nga ako? Una palang?" Humalukipkip ako pagkatapos kong ibalik sa table ang bote ng tubig.

Umiling siya kaagad. "Nung nasa bar? Hindi. Hindi kita nakilala,"

"Hindi nakilala pero sinabi ko ang pangalan ko sayo diba? Nagkita pa tayo sa labas!"

He laughed and raised his both hands. "Chill, okay? Let me explain."

"Okay, go," Minuwestra ko siya.

"I didn't recognized you, either. It's true. Wala akong salamin noon, kaya hindi kita namukhaan kaagad!" Depensa niya.

"I told you my name! Magkatabi pa tayo at naghihintay ako sa flower pot, bakit hindi mo narealize?!"

Tumawa ulit siya, "Akala ko coincidence lang. Hindi ko talaga napansin, swear.."

"Sinungaling!"

"Hala, nageexplain na nga ako, e!"

"Sinabi ko kaya sayo ang suot ko!"

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon