2

78 6 242
                                    

"Kitain ko ba?"

Kinulbit ko si Migs na nakatingin na ngayon sa unahan, nagkukunwaring nakikinig. Sumulyap naman siya kaya pinabasa ko ang message ni Sid.

"Mukhang delicades 'yan, ah," Aniya.

"Wala namang masama basta isasama mo kami?" si Josh.

"True. Libre na din pizza," Tawa ni Migs.

"Anong pizza pizaa yan bakit 'di kayo namimigay dyan?!" Sumingit pa si Evan.

Napalakas ang boses niya kaya napatingin si Ma'am sa amin.

"What's the commotion going on at the back?" Tanong ni Ma'am. Agad kong sinipa ang upuan ni Ruth. Masama niya akong sinulyapan bago niya sinagot si Ma'am.

"Nothing, Ma'am. Evan just asked about the theory. I already answered him," Ruth said in a monotone.

Siya talaga ang shield naming lahat dahil maganda ang reputasyon niya. Mukha pang benta kay Ma'am 'yon dahil hindi na siya nagtanong pa.

"Hoy mga malalandi, sa susunod na magchichismisan kayo hina hinaan niyo, ako na naman inaalay niyo, eh," Ani Ruth pagkalabas namin sa room, tapos na ang klase.

"Tanga, ito kasing si Evan, pakabobo," Josh hissed and faced me, "Ano, Stell? Sino ba uunahin mo? Si yellow cab o si varsity player?"

Natawa naman ako sa tawag niya sa dalawa kong kausap. May pangalan naman ang mga 'yon ah!

"Luh, bakit? Anong meron?" Si Ruth.

"Meet up," Paliwanag ni Thea.

"Hoy, hindi, ha!" Depensa ko.

"Oks lang maging malandi gorl, tanggap ka namin," Ruth winked on me.

Sumama kami kay Josh sa gym. Agad naman kaing sinalubong at binati ng jowa niya. Hindi na din masyadong nagtagal ang paghihintay namin kay Zach. Nang pumasok ang mga naka jersey ng basketball, tinuro na ni Kolene sa amin kung sino siya.

Lahat kami tahimik na nakamasid at lahat kami, sabay sabay na napamura nang may lumapit sa kanya na med student at hinalikan siya sa pisngi.

What the hell! May girlfriend siya tapos nasa dating app siya?! Shame!!!!

These guys are really unbelievable! Ang kakapal talaga ng apog nilang mag aktong loyal sa harap ng girlfriend pero nasa dating app din naman?

"Putangina,"

"Kaya nasisira image ng mga lalaki eh, dahil sa mga gago,"

"Gusto ko manapak ng tangina?"

"Sabi na, trouble, e,"

I feel bad for that girl. May isang babae na naman ang nagpakatanga sa isang gagong lalaki.

Hanggang cafeteria, iyon ang pinaguusapan nila. Kesyo buti nalang daw talaga hindi ko pinatulan at kinita. Gigil na gigil sila, pati nga yung tinapay ng burger nadamay na. Natatawa nalang ako dahil masyado silang affected, mas affected pa nga sa akin.

"Hinga, Ruth, hingaaaa," ani Migs.

"Nakakagigil talaga!" Ani Ruth.

"Trueeee!" Dinamayan pa siya ni Thea.

"Kasi naman sinong hindi maiinis sa cheater, hello?" Si Ruth. "Men are fucking trash,"

"I want to be excluded from this narrative, oh Lord," Evan defended himself.

"Tamang tama si gago," Tawa ni Migs.

Sinapak siya ng bahagya ni Evan. Maya maya pa, nag gantihan na silang dalawa. Mga bata, amp. Natawa nalang kaming lahat sa kanila. Naputol nga lang ang tawa ko nang mag notif na naman sa akin ang message ni Sid.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon