5

53 7 252
                                    

"Hindi pa nga tayo nagkikita, niyayaya mo na ulit ako ng isa pang date?"

Agad na napalingon sa akin ang mga kaibigan ko nang sabihin ko kay Sid 'yon. Narinig ko naman ang halakhak ni Sid sa kabilang linya.

"Lakas naman mami Stell,"

"Ganda ka ghorl, ha!"

"Sana all,"

Natawa ako at hinawi ang buhok ko. Haba ng hair ko, 'no?

"Bawal ba?"

"Hindi naman.. Uh.. depende kung.. syempre mag click ang vibes natin.." Medyo kinakabahan kong sabi.

"Hindi pa nagclick sa lagay na 'to, ah?"

Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Hindi ko na maimagine ang itsura ko pero sigurado akong kilig na kilig ako ngayon.

Sayang nga lang at hindi na masyadong nagtagal ang tawag namin dahil pagdating sa room, dumating na din ang professor. Major namin ngayon kaya lahat kami talagang buong atensyon sa discussion.

Medyo busy din kaya hindi ko na masyadong nabalingan ang phone ko kahit pagdating sa dorm. Kumain lang ako ng hapunan kasama ni Kate at bumalik na sa pagaaral.

Ganoon din sa sumusunod na araw, madaming quizzes at recitation lalo na sa business law at economics kaya kinakailangan kong pagtuunan ng pansin 'yon.

Hindi ko na nga halos namalayan na thursday na pala at friday na bukas. Magkikita na kami ni Sid!

Sid: kung madami ka pa recit, we can just move the date.

Nasabi ko kasi sa kanya na madami akong ginagawa kaya hindi kami masyadong naguusap. Well, so far, after, 5 days, consistent padin naman siya. Hindi pa naman niya ako ghinoghost at nawalan na din ako gaano ng gana mag dating app dahil busy nga, kaya madalas binubuksan ko nalang 'yun dahil kay Sid, pero may pagkakataon ding nagmemessage siya through text at imessage so...

Me: last na recit ko na naman bukas so pwede! hehehe

Sid: u sure?

Me: oo nga! back out ka na ba?

Sid: no, syempre kung busy ka ayoko namang mang abala

Me: wew that's so not you sir

Sid: at bakit? kailan kita inabala?

Natawa ako sa message niya. Parang naririnig ko na ang boses niya doon. This is bad. Pero kasi nakakatuwa talaga ang boses niya. Nakakrelax kasi ang gwapo, e.

Pakiramdam ko tuloy may jowa na ako kahit wala pa naman.

Maaga akong umuwi sa dorm ngayon. Busy kaming magkakaibigan kaya hindi kami makapag gala man lang o makakain sa labas. Pagdating ko naman sa dorm, as usual, magkakaiba ang business namin.

Si Kate, nanonood ng series, si Magui, nagpphone lang, si Irene, nagaaral. Buong araw na siyang nag aaral ha, kaninang umaga paggising ko, nagaaral na siya, hanggang makauwi ako nagaaral padin.

"Huy, teh. Okay ka lang?" Kinulbit ko siya.

"Huh? Oo naman, bakit?"

Umiling ako. Parang may kakaiba. "Buong araw ka nang nagaaral. Magpahinga ka kaya muna,"

"Di pede. Departmental ko na sa Linggo," Aniya.

Ay, oo nga pala. May departmental exam din sila.

"Baka wala ng pumasok sa utak mo kapag pinilit mo pa. Kumain ka na muna, may binili akong ulam nasa dining table," Sabi ko saka dumiretso na sa kama ko.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now