1

101 8 174
                                    

Sid: hahahahahahah kidding ½

Napairap ako sa kasunod na message niya. Kikiligin na sana ako kaso binawi eh. May one-half pa.

Awit, lods. Halatang takot 'to sa commitment.

Hindi ko na muna siya nareplyan dahil nagtext na sa akin ang mga kaklase ko na kailangan na namin bumalik sa room dahil bigla palang humabol ang professor ko sa isang minor subject.

"I'm sorry I was late," Bungad ng professor namin. "Let's go on to the discussion proper," Aniya at nagsimula na siyang mag ayos ng laptop para powerpoint slide.

Habang nag aayos siya, isa isa na ding nagdatingan ang mga kaklase ko pati na din ang mga kaibigan ko. Si Josh, Migs, Evan, Thea at Ruth. Sila ang madalas kong kasama dahil noong 1st year college ay magkakaklase rin kami.

Busangot ang mukha ni Thea habang naglalakad patungo sa pwesto namin sa likod. Si Evan, may hawak pang burger, halatang hindi pa tapos kumain at nabulabog sa pagmamadali.

"Nauna ka pa, akala ko nakatulog ka na naman ng mahimbing sa lib," Ani Josh saka tumabi sa akin.

Madalas kasi, kapag nag library ako at hindi sila kasama, napapalalim talaga ang tulog ko. Pero iba naman ngayon dahil hindi ako nakatulog.

"Hindi ako natulog," Sagot ko sa kanya.

"Wow, bago 'yan, ah," Si Migs.

"Gaya mo ako sayo," Inirapan ko siya. Tumawa lang siya sa tabi ko at hinampas naman ni Ruth dahil baka mapagalitan na naman kami.

The discussion started eventually. Noong una, naeenganyo pa ako at nagsulat pa ako ng notes, kaso itong si Migs at Evan, nagkukwentuhan sa dulo, may kung ano pang tinitingnan sa cellphone. Pakiramdam ko, nadedemonyo ako kaya parang ayoko nang makinig tutal magbabasa din naman ako pag uwi sa dorm mamaya.

"Sure ka bang single 'yan?"

Tanong ni Evan kay Migs. Dahil katabi ko si Migs, medyo nasusulyapan ko kung anong tinitingnan nila sa cellphone.

Ang mga gago, nasa instagram, kung sino sino ang mga sinesearch na babae.

"Oo nga pre, magrereto ba ako nang may sabit. Gago ka ba?" Pabulong na sambit ni Migs.

"Eh yung ganyang mukha, halatang madaming kaagaw, e!" Ani Evan.

"Tanga, kung wala kang tiwala sa sarili mo, talagang maaagaw 'yan," Pag sali ko.

Magkasalubong ang kilay ni Evan na sumulyap sa akin, "'Wag ka ngang makisali, wala ka namang jowa," Inirapan pa niya ako.

Aba, akala mo meron siyang jowa? Eh pagkakaalala ko, dalawang beses na magkasunod na siyang hindi sinisipot ng kadate niya, a?

"Sarap mong tirisin," tiim bagang kong sabi, "Unahan pa kita, e!" sininghalan ko siya at kinuha nalang ang cellphone ko.

Binuksan ko ang data para makapag dating app. Sa sobrang badtrip ko sa pang aasar at tawa nilang dalawa sa tabi ko, ang dami kong na swipe right.

"Gagi, dating app! Awit, Stell! Congrats!" Tawa ni Migs, tinulak tulak pa ako.

"Punyeta ka," Siniko ko siya at agad na tumingin sa harap kung nakita ba kami ni Ma'am pero hindi naman.

May new messages ulit kaya tiningnan ko. Sabog na naman sa dami ng 'hi at hello' kaya iyon ang pinakita ko kay Evan.

"Kita mo 'to? Pinipilahan na ako," Proud kong sagot sa kanya.

Natawa siya at pinakita din ang cellphone niya na may nakabukas na thread, "Kita mo 'to? May convo na kami," Pang iinggit niya.

Mas lalo akong nabadtrip sa kanya kaya nagreply ako kung kani kanino.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now