I know where is this leading.. itong kilig at saya na 'to sa tuwing maguusap kami.. alam kong delikado ito.
Hindi ito ang first time na nafall ako sa isang tao. Syempre, sa dami ng nakausap ko at naireto sa akin, may ilan din akong nagustuhan.
Pero katulad nga ng sinasabi ko, hindi nagtatagal lahat kaya pati ang nararamdaman ko, hindi din nagtatagal.
Huminga ako ng malalim bago imessage si Sid. Thursday na naman. Magkikita na naman kami bukas dahil sa event sa church nila. Parang unti unti na akong nasasanay.
Me: tuloy tayo bukas?
Sid: oo. sunduin kita sa dorm mo?
Me: magbbyahe nalang ako
Sid: sunduin na kita
Sid: please
Napakagat ako sa labi ko at agad na nagtipa ng sagot. Nasa huling class pa ako ngayon. Kakatapos lang ng midterms kaya medyo magaan na ulit ang loads.
Me: ikaw bahala
Hindi ko alam kung cold ba ang replies ko or ewan. Medyo ginugulo na ako ng isip ko dahil sa nararamdaman ko.
Nito ko lang din napansin. Na bawat araw, paggigising ko, siya na ang una kong hinahanap. Message o tawag niya sa umaga, at pag gabi, siya din ang huli kong nakakausap bago matulog.
Nakakatakot. Ayoko pa kasi talaga. For some reasons, ayokong mag madali.
Sid: okay ka lang ba?
Me: oo, nasa klase ako
Me: okay lang akoooo
Pinatay ko na ang phone ko at nakinig muli sa professor. Purong discussion lang naman kaya hindi ko na masyadong inintindi. Aaralin ko din naman kapag nagkaroon ng quiz.
"I'll group you into two for the case study. Para hindi mahirap, kung sino nalang ang seatmate, iyon nalang ang magkagrupo. Wala naman sigurong problema, hindi ba?" Tanong ng professor namin.
"No, ma'am!" Ani ng mga kaklase ko.
Napabuntong hininga nalang ako saka hinarap si Spade. Siya ang seatmate ko sa subject na 'to dahil magkasunod ang surname namin. Hindi kami gaanong close dahil irregular student siya at ahead siya sa amin ng one year.
"Hatiin nalang natin part by part para fair," Aniya. Tumango naman ako sa kanya dahil walang masabi.
Iba iba din ang kapartner ng mga kaibigan ko except kay Josh at Migs. Same surname sila at seatmates kaya sila ang magkapartner.
"Okay lang sayo? Or?" Napatingin ulit ako kay Spade nang magtanong siya. Agad akong umiling.
Gwapo si Spade. Crush nga 'to ni Thea at Ruth. Matalino din kasi saka sobrang galing kapag debate kaya gustong gusto ni Ruth.
"Okay lang sa akin. Uhm, kung tayo ang hahanap ng cases, hanap tayo ng tig dalawa tapos mamili nalang tayo?"
"Sure. Okay lang sa akin."
"Okay, okay.." I kinda smiled before looking at my phone. Free time na 'to para mapagusapan ang case study.
Sid: sure kang okay ka lang?
Sid: masama pakiramdam mo?
Sid: tapos na class ko pauwi na ako
Sid: malapit na ba dismissal mo?
Me: 30 mins pa.
Sid: oh okay, sabihan mo ko if dismiss ka na
Me: bakit?
YOU ARE READING
I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]
General FictionThis is a fluff-realistic-fictional story that will revolve around college life where in, Stella Beatrix Alvarez, a 2nd year college student tried to find her luck in dating. [Word count per update 1000-3000]