20

43 5 392
                                    

Whatever it was, whatever he said, we never talked about it anymore for the following days. And I think it's a lot better that way.. hindi kasi talaga ako handang buksan ang usapin na tungkol doon.

Palagi kong tinatatak sa isip ko na mas magandang maging magkaibigan lang kami. Wala kasing kasiguraduhan kung tama ba talaga ang nararamdaman ko.

At alam kong ganoon din siya. Maybe he said he was happy with me that time because he's happy, ganoon lang kasimple. Hindi na dapat pang bigyan ng kulay.

Pero ganito ba talaga? O kinukumbinsi ko nalang ang sarili ko dahil alam kong talo na ako? Dahil alam kong may iba na akong nararamdaman at takot ako na hindi kami pareho? Na baka mamaya, ako lang ang maiwan at hindi makaahon, baka ako lang ang mahulog sa dulo.. baka mag-isa lang ako.. at natatakot akong mangyari 'yon.

Kasi hindi ko pa nararamdaman 'to noon sa iba.. sa kanya palang.. hanggang ngayon.. kahit ilang buwan na ang lumipas.

"Kulang pa 'to, kailangan nating ipasa 'to ngayong araw.." Sabi ko kay Spade habang iniscroll ang output namin na nasa laptop niya.

So far, ito talaga ang pinagtuunan at kumuha ng oras ko madalas dahil masyadong terror ang professor namin sa law. Masyado siyang perfectionist at ilang beses na namin 'tong naipasa sa kanya pero nakailang balik na din siya sa amin para sa revisions.

"You can have your lunch first, let's just see each other later.." Aniya.

Napanguso ako ng bahagya, mahaba kasi ang lunch break at balak sana naming magkita ni Jean ngayon. Actually, naghihintay na nga siya sa labas. Napansin pa yata ni Spade ang pag sagot ko sa tawag at ilang missed calls habang nagtatype ako sa laptop niya.

"Gusto mo bang sumabay nalang samin?" Nagaalinlangan ko pang tanong.

Wala naman sigurong masama doon? Lunch lang naman saka para din mamaximize ang oras, alam naman ni Jean 'yon, siningit niya lang din talaga na magkita kami dahil semestral break na nila bukas at paalis yata sila ng Manila kaya magkikita muna kami bago sila umalis.

"Lunch?" Tanong niya. Tumango kaagad ako.

"Yup, sa labas lang.. kung gusto mo lang naman para din magamit natin 'yung break,"

Napahalakhak siya ng bahagya sa sinabi ko, "With your boyfriend?"

Kumunot ang noo ko at agad na umiling. "Kaibigan." Pagtatama ko.

Tumango naman siya at saglit na nagisip bago magsalita. Hinintay ko lang ang sagot niya bago ko imessage si Jean.

"Uhm, sure.." Sagot niya at saka bahagyang ngumiti sa akin saka inayos ang laptop niya. Bumaling naman ako sa phone ko para imessage na si Jean.

Me: Wait lang, ah. Sasabay si Spade satin, okay lang?

Jean: Spade?

Me: yung kapartner ko sa case study

Jean: kilala ko ba 'yan?

Nagflash kaagad sa utak ko ang itsura niya na nakataas ang kilay habang nagtatanong.

Me: Oo naikwento ko na to

Jean: ah yung gwapo mong kaklase...

Me: na crush ni Thea at Ruth

Jean: at mo? crush mo?

Nanlaki kaagad ang mga mata ko at iniwas kay Spade ang screen dahil baka mabasa. Baka kung ano pa isipin niya!

Me: hindi ah!

Jean: mama mo hindi

Me: luh pati si mama dinadamay

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now