8

52 3 332
                                    

Para akong tangang nakatulala sa harap ng laptop ko habang tinitigan ang dalawang pangalan na nakikita ko.

Jean Silvestre
Sid Illardi Silvestre

Ilang beses 'yon nagpabalik balik sa isip ko. Hindi ko talaga alam kung saan magsisimula at ano ang unang iisipin.

Okay, Stella.. calm down. Hingang malalim, okay? Tapos saka ka sumigaw ng,

"Putangina, small world,"

Napapikit nalang ako. Hindi padin ako makapaniwala. Pilit ko pang binalikan ang profile ni Sid sa dating app kung saan kami unang nagusap. Okay first, it was a beach photo. Naka shades siya dito at pinapawid ng hangin ang buhok, ang pangalawa naman ay 'yung medyo sideview na film photo, ito din ang profile picture niya.

Sunod kong tiningnan ay ang picture ni Jean kasama si Kyle. Hindi ko talaga maisip kung magkapatid ba sila o ano. Hindi ko na din gaanong maaalala ang itsura ni Jean sa bar. Madilim noon, e. Kahit nung nasa labas kami, madilim padin.

Pero may resemblance nila. Baka nga magkapatid sila.

Wew, small world it is. Posible din kaya na alam ni Kyle ang tungkol sa amin ni Sid? Kaya niya nasabing small world nga?

Agh. Ang sakit sa ulo.

altheamarie: girl ano oras na gising ka pa din?

altheamarie: nahanap mo na ba?

Me: oo

Me: napatangina nalang ako sis

altheamarie: bakit? poser?

Me: hindi

altheamarie: oh edi congrats swerte mo!!!

Me: tanga anong swerte dito

Sinend ko sa kanya ang screenshot noong dalawang account. Sa gulat niya, hindi niya na napigilang tumawag sa akin.

"Tangina! Ano 'yon bakit ganon?!" Sigaw niya.

"Malay ko din!" Hindi ako makasigaw dahil tulog na ang mga kadorm ko.

"Gago, nakakaloka!" Aniya.

"Kinakabahan ako dito, uy,"

"Ako din tanga. Paano 'yan, magkapatid ba?"

Hindi ko talaga alam. Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin kay Sid.

"Hindi ko alam. Siguro?"

Parang ayaw tanggapin ng sistema ko 'yung katotohanan na magkapatid. Parang ang contradicting na ewan. Sumagi pa sa isip ko na baka kaya ako nilapitan ni Jeanpierre ay dahil kilala ako ni Sid? Ganoon ba?

"Haba ng hair mo. Talagang magkadugo pa! Infairness ang bango ng pangalan!" Tumawa pa si Thea.

Napasapo nalang ako sa noo ko habang iniisip 'yon. Sa sobrang sakit ng ulo ko, napapikit nalang ako kaso agad ding naalimpungatan nang magring ang phone ko.

Automatic na nag cut ang call namin ni Thea dahil tumatawag si Sid sa number ko. Madaling araw na! Hindi ba nito papatahimikin kaluluwa ko?

"Hmm?"

"Hmm. Nagising ako.." Aniya.

Oo nga. Nagtext siya sa akin kanina na tutulog na siya. Bandang 11pm ata 'yon.

"Nagising ba kita?" He asked.

Ang soft. Nakakainis.

Parang hindi ko na alam mararamdaman ko sa lalaking 'to. Imagine, pa one week ko palang siyang kausap tapos ganito na.

I met you, I was lucky. | [ON-HOLD]Where stories live. Discover now