Chapter 31

1.2K 26 2
                                    

Chapter 31

"Kesh nandito ka lang pala."

Halos mapatalon ako sa gulat matapos marinig ang tinig ni Krizzy. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil doon. Kung bakit naman kasi bigla bigla nalang siyang sumusulpot dito sa tabi ko eh.

Teka, kung nandito na si Krizzy, malamang sa malamang ay nandito na rin si Calix? Pero, bakit ngayon lang sila? Kanina pa ako naghihintay ah? Nako talaga mamaya, tatadtarin ko ng tanong 'yong lalaki na 'yon. Hindi na ako natutuwa sa mga paganyan ganyan niya.

Sinenyasan ko si Krizzy na huwag maingay. "Wait lang Krizzy..." sabi ko, ang paningin ay naroon pa rin sa aking tinitignan.

Kung nagtataka kayo kung nasaan ako, nandito ako sa may garden, nagtatago sa isang gilid, malapit sa mga halaman. Ito ang perfect spot na nahanap ko kanina, sa pwestong ito ay kitang kita ko ang ginagawa nina Cae at Nathan.

Yup, sina Cae at Nathan iyong tinitignan ko kanina pa. Nang magdesisyon silang umalis ay nagpaalam din ako, pero syempre hindi ko sinabi sa mga kaibigan namin na susundan ko si Cae.

Hindi naman sa chismosa ako, pero kasi, kahit kaibigan ko si Nathan, hindi siya iyong gusto ko para kay Cae. Mas boto pa rin ako kay Ash dahil ang lakas ng chemistry nilang dalawa. Kahit pa madalas silang nagbabangayan, ship ko pa rin sila at walang makakatibag sa loveteam na gusto ko.

Sa tagal kong nagtatago rito at nakikinig sa kanila, wala naman akong narinig na pinagusapan nilang kung ano. Nagkekwentuhan lang sila about sa una nilang pagkikita, tinanong ni Nathan si Cae tungkol sa mga paborito niya tapos nagtanong din si Cae kung anong paborito nitong kaibigan ko.

"Si Cae iyon diba? Siya 'yong model?" mahinang tanong ni Krizzy, gaya ko nakatingin na rin siya sa dalawa.

Tumango ako. "Oo."

"E, bakit kasama niya si Nathan? Akala ko ba may something sila ni Ash?"

"May something ba sila?" tanong ko rin pabalik.

Alam ko na may rumors about doon pero wala naman silang kinukumpirma na may relasyon sila. Saka pakiramdam ko, sa panahon ngayon, malabo pa iyon.

"Hindi ko alam, pero sabi sa news, nagdedate sila ni Ash," sagot ni Krizzy.

Oo, kalat nga iyon. Madalas kasing makita ng media sina Ash at Cae na magkasama at iyong mga botong boto sa kanila ay binibigyan ng malisya ang bagay na iyon. Well, hindi ko naman sila masisisi, kahit ako e, iyon din marahil ang iisipin.

Ewan ko ba, para kasing napakaperfect na nila para sa isa't isa. Saka hindi ko maimagine na iba ang makakatuluyan nilang dalawa sa hinaharap.

"Kesh, tara na kaya? Baka kasi sumunod din bigla si Calix dito at malaman pa itong ginagawa mo." si Krizzy, inalis niya na ang tingin kina Cae at Nathan saka tumingin sa paligid. "Tara na habang wala pang nakakakita sa atin," aniya at bahagya pa akong hinila sa braso.

Nakanguso ko siyang binalingan. "Sige na nga..." sabi ko, sandali ko pang sinulyapan sina Cae bago tuluyang sumama kay Krizzy sa loob.

Pagbalik namin sa may table, naroon na nga si Calix, kausap niya ang mga kaibigan niya. Nahuli ko pa silang nagtatawanan pero kaagad ding natigil nang makita ako. Itinuro ng aking fiancè ang upuan na katabi ng sa kanya para roon ako umupo. Walang pagaalinlangan naman akong tumabi sa kanya.

Pagkaupo ko palang ay hinalikan na niya ako kaagad sa pisngi. "Sorry baby, nalate kami," bulong niya bago tuluyang ilayo ang mukha sa akin.

Namula ako sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko. "Saan ka ba galing?" tanong ko, ang paningin ay naroon na sa kanya.

"May kinailangan lang kaming asikasuhin ni Krizzy," sagot niya.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now