Chapter 37

1.2K 25 1
                                    

Chapter 37

"I heard malaki na ang dalawang anak mo, ilang taon na nga sila?"

Kung itatanong niyo kung sino iyong nilapitan ko, si Ella 'yon. But she's not alone. She's with a kid. The cute little girl looked like her so I assumed na anak nila 'yon ni Creed? Pero kasasabi lang kanina nina Lauri at Tusher na hindi pa nagbubuntis si Ella, so how come?

Pero baka naman pamangkin niya? Inampon nila? I don't know, I'll ask Calix later para kumpirmahin iyon.

Kung ano ano ng naisip ko. Pero kung anak man nila ni Creed itong bata na 'to, napakaganda niya.

Nabalik bigla ang paningin ko kay Ella matapos niya 'yong itanong. Siguro'y napansin niya ang tingin ko roon sa bata, kaya nagopen siya ng topic para mabaling sa kanya ang atensyon at paningin ko.

I smiled and opened my phone. I showed her a picture of Callum and Calia. Kuha nila 'yon kahapon lang.

"They're both 4, turning 5 in few months," I answered casually before turning off my phone.

Umawang ang labi niya. "Congrats."

"Congrats din," sabi ko saka sinulyapan ulit ang batang babae.

Ella was about to talked again, when I got a phone call from someone. Nang tignan ko ang caller id ay si Calix pala 'yon. Siguro'y tapos na silang magbayad at nasa labas na kaya ako tinatawagan.

Bahagya akong lumayo kay Ella para sagutin ang tawag. I quickly slid the answer button. "Calix, nasa loob pa ako," sabi ko agad.

[Nasa may labas na kami ng toy kingdom]

Narinig ko pa ang boses ng aming mga anak sa kabilang linya, hinahanap na nila ako kaya naman sinabi ko na palabas na rin ako. Nang tuluyang maibaba ang tawag ay binalingan ko ulit si Ella.

"I need to go Ella, see you soon." Iyon lang ang sinabi ko. Humalik muna ako sa pisngi niya bago tuluyang umalis at puntahan ang aking mag-aama roon sa labas ng toy kingdom.

Paglabas ko, naabutan ko sina Calix at ang mga bata na nakanguso. Marahil nainip na sa kahihintay sa akin. Mainipin kasi sila e. Isa 'yon sa pagkakapareho nila.

Nilapitan ko sila. "Bakit nakanguso?" tanong ko saka sila isa-isang binalingan.

"Tss, ang tagal mo sa loob, sino bang kinita mo roon? Lalaki?" sunod sunod na sinabi ni Calix.

Matunog akong bumuntong-hininga. Kung alam niya lang siguro na si Ella ang nakita ko sa loob ay hindi siya magrereact ng ganyan. Imbes na sagutin agad si Calix ay niyaya ko nalang muna sila na maglakad na. Dumaan muna kami sa Wendy's para bumili ng pagkain bago bumalik sa parking.

Saktong pagkasakay namin ng sasakyan ay binalingan kaagad ako ng aking asawa. "Sino 'yong nakita mo roon sa Toy Kingdom? Bakit parang natagalan ka?" tanong niya na naman.

Ikinabit ko na muna ang seatbelts ko saka siya tuluyang nilingon. "Si Ella ang nakita ko."

Natigilan siya at biglang natahimik. "Ella? As in asawa ni Creed?" parang hindi pa siya makapaniwala.

Tumango ako. "Oo nga, may kasama pa ngang batang babae."

Nangunot ang noo niya. "Batang babae? Ano itsura? Ilang taon na sa tingin mo?"

Miski siya ay nagulat nang malaman na may kasamang batang babae si Ella.

"Oo batang babae, kamukha niya e, sa tingin ko, 5 years old na 'yon," sagot ko naman agad.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now