Chapter 38

1.7K 28 1
                                    

Chapter 38

"O my gosh!" Iyon kaagad ang naiusal ko nang makita ang ikatlong anak nina Lauri at Tusher. Kadarating lang namin ni Calix dito sa hospital. Nang malaman kasi namin na nanganak na siya ay kaagad kaming nagdesisyon na pumunta rito. Medyo natagalan pa nga kami dahil iyong dalawang bata ay ayaw magpaiwan. Nagpupumilit silang sumama. Buti na nga lang at dumating ang mga magulang ni Calix kaya 'ayun.

Namamangha kong tinitigan ang sanggol na karga ni Lauri, si Tusher ay nasa tabi niya, nakangiti habang nakatitig din sa kanilang bagong silang na anak. Nakakatuwang isipin na may babae na silang anak. May matatawag na silang prinsesa, may maaayusan na si Lauri. 

"She looks like Tusher," nakanguso iyong sinabi ni Lauri saka nag-angat ng tingin sa akin. 

Muli kong sinulyapan ang baby bago ibinaling kay Lauri ang aking atensyon at paningin. Kung titignan ngang maigi ay kamukhang kamukha ito ni Tusher, ang mata, ang ilong, miski ang labi nito ay naman mula sa kanyang ama. 

"Kamukha mo rin naman." si Calix na ngayon ay katabi ko na. Kapapasok nga lang ngayon.

Nauna kasi akong pumasok dito sa hospital room ni Lauri dahil may biglang tumawag kay Calix kanina, urgent daw iyon kaya naman sinagot niya kaagad at pinauna na akong pumunta rito. 

Umiling si Lauri at ngumuso. "Hindi kaya!"

Natawa si Tusher sa tabi ng kanyang asawa. "Soon magiging kamukha mo rin, pasensya na at mukhang malakas talaga ang dugo ko kaysa sa 'yo."

Hindi nagsalita si Lauri, binalingan niya akong muli at iniabot sa akin ang kanilang baby. Noong una'y nangunot pa ang noo ko dahil baka mamaya'y mali lang ang intindi ko pero no'ng isinenyas niya na kargahin ko ang anak nila ay walang pag-aalinlangan ko naman iyong kinuha. 

Unang hawak ko palang ay namangha na ako, ngayon kasi mas natignan ko na ang sanggol nang malapitan, tuloy ay kapansin-pansin ang napakaganda at napakakinis niyang kutis, mamula-mula pa iyon gaya ng kanyang pisngi at labi. 

Sandaling napako ang paningin ko sa baby, na miski ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng kung sino ay hindi ko na pinansin pa, ni hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino iyong dumating at pumasok dahil naagaw na ng batang karga ko ang lahat ng atensyon ko.

"Oh Calix, Kesh nandito na pala kayo."

Nilingon ko ang nagsabi no'n. So siya pala ang pumasok? Hmm...

Ngumiti si Calix at nakipagbro-hug kay Creed. Yup si Creed iyong pumasok, may mga dala siyang pagkain, prutas, miski bag ay mayroon din. Batid kong mga gamit iyon ng mag-asawa. 

"Halos kadarating lang namin," sagot ni Calix.

Tumango si Creed at inilagay na ang dala niyang bag doon sa upuan at ang mga dala niyang pagkain doon sa may lamesa. 

"Hmm, kumain na ba kayo?" tanong niya habang isa-isang inilalabas ang mga pagkain na nasa loob ng paper bag. 

"Bakit?" Naunahan na kaagad ako ni Calix na magsalita. "Dito mo kami pakakainin?" tanong na naman niya.

Nilingon kami ni Creed at nakangising inilingan. "No, I'm just asking," sagot niya saka muling ibinalik sa ginagawa ang atensyon.

"Nasaan nga pala si Ella?" tanong ko nang mapansing siya lang mag-isa ang nandito ngayon.

Bibihira ko kasing makita si Creed at Ella na hindi magkasama. Ang dalawang iyon kasi masyadong attach sa isa't isa, na kung nasaan ang isa ay nandoon din ang isa pa.

"She's out of the country," sagot niya naman agad saka nabutan si Tusher ng pagkain. "Kuya, pinapasabi ni Mommy na magtext ka raw kung sakaling uuwi na kayo."

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now