Chapter 35

1.2K 25 1
                                    

Chapter 35

Si Calia ay lumaking kamukha ko. Siguro'y dahil magpinsan kami ng totoo niyang Daddy kaya ganoon. Well, mas okay na rin 'yon para hindi magtaka o magtanong ang ibang tao tungkol sa kanya. Ang katotohanan naman tungkol sa kanyang pagkatao at totoong mga magulang ay sasabihin din namin kapag dumating ang tamang panahon, kapag kaya na niyang intindihin ang lahat.

Masyado pa kasi siyang bata para maintindihan ang mga 'yon.

Si Callum naman, pinaghalong mukha namin ni Calix, pero mas lamang ang asawa ko. Ewan ko ba, sadya yatang malakas ang dugo niya kaysa sa akin.

Katwiran pa nga ni Calix, mag-anak pa raw kami ng isa para naman kamukha ko, pero tumanggi ako. Ayoko na kasi, sapat na sa akin sina Callum at Calia. Isa pa, baka hindi lang namin matutukan kung may isa pa. Saka hindi rin biro magbuntis at manganak, hindi biro ang magpalaki ng bata.

Isang hapon, habang nasa kusina ako at nanonood ng cooking show ay biglang sumulpot si Cali sa tabi ko.

"Mommy, I'm hungry," aniya, hila-hila pa ang braso ko. Nangungulit na naman siya. Ganyan siya palagi everytime na magugutom. Kukulitin ako o kaya'y ang Daddy niya.

"What do you want to eat?" tanong ko.

"Cookies Mommy!" ganadong aniya.

Cookies? Matamis? E, baka sumakit ang ngipin niya. Itong bata na 'to kasi nahihilig sa matatamis! Hindi dapat namin siya sinasanay na ganito e, kaya lang si Calix, kaunting lambing lang ng mga bata ay pinagbibigyan na at binibigay ang gusto.

"Anak, sweets na naman?"

Nakanguso siyang tumango. "Yes Mommy, why?"

"Anak, masama 'yong puro sweets."

"What will I eat then?" tanong niya.

Ngumiti ako nang may maisip. Binuhat ko siya at inupo roon sa stool. "Stay here, I'll prepare something for you," sabi ko.

Ipaghahanda ko siya ng ulam, pero made of squash. Para siyang fried nuggets. Nadiscover ko lang din siya online e. Buti nalang din at may mga stocks kami rito sa bahay kaya hindi ko na kailangan pang pumunta ng grocery upang mamili ng mga sangkap.

Sinimulan ko ng hiwain iyong squash, pinakuluan ko 'yon pagkatapos. Nang medyo lumambot na ay dinurog ko siya. Hinaluan ko rin ng egg and kaunting flour. Nang makabuo ako no'n ay inilubog ko naman sa breadcrums. Iprinito ko 'yon pero gumamit ako ng shaper para kahit papaano'y magmukha talagang nuggets.

Nang matapos sa pagluluto ay inilapag ko na 'yon sa harap ni Calia. Sinandukan ko rin siya ng kaunting rice sa bowl na maliit.

Kumuha ako ng tinidor at nagslice ng kaunting nuggets. Tinusok ko 'yon saka ko inihipan. Matapos 'yon ay isinubo ko na 'yon sa kanya.

"Hmmm..." sabi niya pa habang ngumunguya.

Nakangiti kong pinunasan ang gilid ng kanyang labi gamit ang tissue. "How was it?" tanong ko.

Nilunok niya ang kinakain saka nagthumbs up sa akin. "Delicious Mommy, I want more," sabi niya at ngumanga pa ulit, senyales na nagpapasubo pa siya.

Sinubuan ko ulit siya pero may kasama na iyong kanin. Nasa ganoong sitwasyon kami nang biglang dumating sina Calix at Callum.

"Hey baby," ani Calix nang makalapit sa amin. Hinalikan niya ako sa pisngi. Nilapitan niya rin si Calia na ngayon ay abala sa pagkain. Hinalikan niya ito sa ulo bilang pagbati.

"Tapos na kayo sa paglalaro ng scrable ni Callum?" tanong ko nang makabalik siya sa tabi ko.

Kung hindi niyo kasi naitatanong, ang dalawa naming anak ay sinasanay namin sa mga word games para lalong maenhance ang kanilang vocabulary, para na rin mas gumaling pa sila sa Ingles.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora