Chapter 20

9.2K 170 5
                                    

Chapter 20

Naiiling akong napasandal sa aking inuupuan habang nakatitig kina Cae at Ash na halos kanina pa nagsasagutan, ni hindi na sila natapos. Tuloy ay pinagtitinginan kami ng mga taong narito. Kung tatanungin niyo kung anong pinagtatalunan nila, iyong flight nila bukas. Nagkaroon kasi si Cae ng pagbabago sa kanyang plano, sinabi niya na hindi na siya sasabay kay Ash bukas dahil gusto niya pang manatili rito kasama namin, pero si Ash sa kabilang banda ay ayaw namang pumayag. Ayaw niyang bumalik ng US na hindi kasama si Cae. 

May kung ano na akong nararamdaman pero ayoko nalang magsalita. Gusto kong silang dalawa nalang ang dumiskubre no'n, besides hindi naman siguro sila mahihirapan hindi ba? They're close, na sa sobrang lapit ay miski konting galaw at kung ano ay alam na agad nila. 

Bilib din ako sa friendship ng dalawang ito e 'no? Akala ko dati kapag dumating sa punto ang isang tao na umamin siya sa kanyang best friend ay may magbabago na, na pareho silang didistansya, pero hindi ganoon ang nakita ko sa kanila, it's the opposite tho. 

They seem to hate each other pero look at them, at the end of the day hindi pa rin nila matiis ang isa't isa, na nakasalalay sa isa ang magiging desisyon ng isa pa. They both depend on each other and wala naman sigurong masama roon? Kasi kung titignan din namang maigi, lakas nila ang bawat isa. And sa tagal nila, I don't think na hahayaan nilang masira o mawala manlang ang kung ano mang mayroon sila. 

They treasure and cherish each other so much, kaya rin siguro ganito si Ash, na kahit tinutulak siya ni Cae ay hindi niya pa rin ito iniiwan at pinapabayaan, he's still there, looking out for her.

"Hindi nga ako babalik ng US bukas!" giit ni Cae, may pinal sa kanyang sinabi. 

Napapikit ng mariin si Ash, marahil kinokontrol ang sarili. "Uuwi tayo ng US bukas Caecilia," mariing tugon ni Ash na sinadya pang taliman ang tingin kay Cae. 

Cae rolled her eyes in disbelief. "Tutal ikaw ang may gustong bumalik, bakit hindi ka nalang mauna?"

Natigilan si Ash sa kanyang akmang pag-inom ng kape. "Nagkausap na tayo tungkol sa bagay na ito Cae, sabay tayong babalik doon."

"Ash gusto ko nga munang manatili rito, pwede bang huwag ka ng makulit?" si Cae sabay sulyap sa akin na may ngiti sa kanyang labi. 

Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan sila sa kanilang pinaguusapan.

"Ikaw ang huwag makulit Cae," seryosong ani Ash sabay tingin kay Cae.

"You can just leave me here you know---" Hindi na natapos ni Cae ang sasabihin nang biglang magsalita si Ash. 

"I can't," agap niya.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Cae at hinarap si Ash na ngayon ay titig na titig sa kanya. "Why?"

"I just can't Cae," mabagal ngunit may diing tugon ni Ash.

"Basta hindi ako uuwi bukas, I need more time." si Cae na wala talagang balak sumuko. 

Ash sighed. "Time? E, ang tagal mo nang narito, how much time do you need?"

"I can't tell dahil miski ako, hindi ko rin sigurado."

"O baka naman kaya ayaw mong umalis dito dahil gusto mo pang makasama ang ex mo?"

Nasamid si Cae sa iniinom niyang juice saka sinamaan ng tingin si Ash na ngayon ay halatang ubos na ang pasensya. 

"Yeah right, my fault." si Ash na ngayon ay inabutan ng tissue si Cae pero nang hindi ito tanggapin ng kaibigan ay siya na mismo ang nagpunas sa labi nito.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now