Chapter 34

1.2K 24 1
                                    

Chapter 34

Gaya nang sinabi ni Calix ay nagpakasal nga kami kinabukasan. Hindi iyon church wedding gaya ng una naming plinano. Isa iyong garden wedding. Nang makita ko ang lugar ay 'ayun na ang mga luha ko na nagpapaunahan pa sa pagtulo, pag-agos sa aking mukha. Hindi ko lubos maisip na nakaya niyang gawin ang lahat ng ito kahit sa sandaling oras at panahon lang. Nakakahangang naitago niya ito sa akin.

Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na ito ang pinagkakaabalahan niya. Akala ko'y puro trabaho lang ang inaatupag niya, pero ngayon na nakita ko na ang lahat ng pinagpaguran niya ay walang pasidlan ang aking nararamdamang kasiyahan.

Wala na nga yata akong mahihiling pa, parang nasa akin na ang lahat. Mapagmahal na asawa at cute na mga anak.

Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng lugar. Katatapos lang ng kasal namin ni Calix at kasalukuyan na kaming nandito sa aming hotel room. Kaming dalawa lang dito ngayon dahil ang mga babies ay kasama ng aming mga magulang. They told us na sila na muna ang bahala sa mga ito para naman makapaglaan kami ni Calix ng oras sa isa't isa, iyong kaming dalawa lang talaga.

Ngumiti ako saka pinakatitigan ang aking kaliwang kamay, ang singsing na suot. Napakaganda ng mga 'yon sa aking daliri. Para bang perpektong perpekto. Bagay na bagay. Katunayan, nakadagdag pa iyon sa kagandahan ng aking kamay.

Isa na akong Misis. Mrs. Keshia Samantha Lopez-Fontanilla.

Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likura, hindi na ako nagtaka kung sino 'yon dahil obvious naman na. Nang maiyakap niya nang tuluyan ang kanyang mga braso sa akin ay ipinatong ko roon sa kamay niya ang kamay ko.

"Are you happy?" tanong niya, sinisilip ang mukha ko.

Bahagya ko siyang nilingon. Ngumiti ako. "I am very happy."

Sobrang saya ko talaga. Hindi ko akalain na sa dami ng problema at pagsubok na dumaan ay mauuwi rin pala talaga kami sa kasalan. Halos mawalan ako nang pagasa noong mawala siya sa akin. Sumagi pa sa isipan ko na sinadya niyang umalis, na nabigla siya at hindi pa pala handa kaya ganoon.

Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin matapos ko iyong isagot. Idinikit niya pa ang kanyang labi sa aking pandinig. "I love you so much baby," bulong niya.

Tinanggal ko ang braso niyang nakayakap sa akin saka ko siya hinarap. I caressed his face. Grabe, hindi ko inakala na sa taong ito ay magkakaroon ako ng boyfriend, anak at asawa. Ganoon iyon kabilis. Pero kahit na napakabilis ng pangyayari, ni minsan hindi ko naisip madali ring matatapos ang kung anong mayroon kami.

Akala ko, matapos may mangyari sa amin ay doon na titigil ang lahat, pero hindi. Kasi after that, mas lalo pa kaming pinagtagpo ng tadhana. Mas napadalas ang pagkikita namin, na para bang sinadya. Naging magkaibigan kami at sa kalaunan ay naging magkarelasyon din. Iyon nga lang, hindi namin inaasahan na mauuna ang baby kaysa sa kasal.

Ewan ko ba, sa sobrang abala ko sa hospital, nawala na sa isip ko na magtake ng pill, pero kahit ganoon ang nangyari, wala pa rin akong pinagsisihan. Ngayon na nandito kami sa oras at panahon na ito, wala na akong iba pang gusto kundi ang tumanda ng kasama ang aking asawa.

"Mahal din kita," sagot ko.

Mabilis na lumipas ang limang taon. Sa mga panahong iyon ay walang araw na hindi kami naging masaya ni Calix. Ang pagkakaroon ng sariling mga anak, bahay at mga ari-arian ang dahilan ng mga 'yon. Finally, masasabi na naming nagbunga ang mga pinaghirapan namin sa tagal naming nagtatrabaho.

Hindi naging madali ang buhay pero nagawa naming kayanin dahil magkakasama kami, nalampasan namin 'yon.

Nagmamadali akong umalis ng hospital dahil tumawag sa akin si Calix. Buti nalang at wala akong pasyente ngayong oras na ito kaya pu'pwede akong umalis. Paano ba naman kasi, wala iyong yaya ng mga bata. Nasa bakasyon, kaya 'ayun, isinama ni Calix sa kanyang opisina ang aming mga anak.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang