Chapter 24

1.4K 26 3
                                    

Chapter 24

Ngayon ay araw ng sabado, narito ako sa bahay nina Calix. Wala akong ibang kasama rito dahil umalis siya kanina. Ang mga magulang naman niya ay may inaasikaso raw na business. Ang mga tropa naman namin ay hindi ko macontact dahil lahat sila ay out of coverage area. Sa sandaling iyon ay gusto kong magtaka, may iba akong pakiramdam pero hindi ko lang matukoy kung ano talaga. Basta ang alam ko lang, may pinagkakaabalahan silang lahat at kung ano man 'yon, tiyak kong ayaw nilang ipaalam sa akin.

Gusto kong tanungin si Calix sa t'wing uuwi siya gabi-gabi. Oo, gabi na siya kung umuwi. Ilang beses ko na siyang pinaalalahanan na huwag alis ng alis dahil kailangan niya pang magpahinga pero hindi naman siya nakikinig sa akin. Lagi lang siyang tumatango at ngumingiti sa mga sinasabi ko. Sa t'wing kokornerin ko siya ay halatang umiiwas siya.

Tuloy ay hindi ko maiwasang maghinala kung may iba siyang kinikita pero mukha namang wala dahil hindi naman siya amoy babae, wala ring bakas ng kung anong lipstick. Isa pa, malaki ang tiwala ko sa aking kasintahan, alam kong hindi siya gagawa ng bagay na ikagagalit ko. He's not like that, hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya.

Sa panahon ngayon, bilang na bilang nalang ang hindi nagloloko at natitiyak kong isa siya sa mga iyon. Kaya masasabi ko lang maswerte ako.

Naputol ang pagiisip ko nang biglang magsalita iyong katulong nina Calix na si ate Mirna.

"Ma'am Keshia, nandiyan na po si sir Calix," anunsiyo niya.

Hindi pa man ako nakakasagot ay lumapit na siya sa akin. Inalalayan niya akong tumayo, hirap na rin kasi akong kumilos dahil mas lumaki pa ang tyan ko sa mga nagdaan pang araw.

"Salamat," sinabi ko 'yon na may ngiti sa aking labi.

"Punta lang po ako roon sa kusina, tawagin niyo na lamang po ako kung may kailangan kayo," paalam niya bago ako tuluyang iwan.

Ilan pang segundo ang lumipas. Nanatili akong nakatayo malapit sa pintuan, magkakrus ang parehong braso sa may dibdib. Nakasuot ako ng daster kaya lalong nagmukhang malaki ang katawan ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Calix. Mukha siyang masaya dahil napakalapad pa ng kanyang ngiti. Nawala lang iyon nang magtama ang mata naming dalawa.

"Kesh..." aniya at lumapit sa akin. Sinubukan niyang humalik sa pisngi ko pero iniiwas ko ang mukha ko.

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Saan ka na naman galing?" tanong ko.

Hindi na kasi talaga ako matahimik, kailangan kong malaman kung saan siya pumupunta nitong mga nakaraang araw, kung anong pinagkakaabalahan niya. Hindi 'yong ganito na para akong nabobothered araw araw, walang kaalam alam sa mga pinaggagagawa niya sa buhay.

Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. He's avoiding me, iniiwasan niya ang tingin ko, ang mata ko! Alam niya kasi na kapag nagkatitigan kami sa mata ay malalaman ko kung nagsisinungaling siya o hindi.

"Ano Calix? Saan ka galing?" tanong ko ulit, ang paningin ay hindi manlang inalis sa kanya.

"Kesh, pagod kasi ako," aniya at nilagpasan na ako.

Pinanood ko siyang umakyat sa may hagdanan. Mula sa ibaba ay pinagmasdan ko, miski ang pagpasok niya sa kanyang silid. Gustuhin ko man siyang sundan ay hindi ko na ginawa, dahil sa ilang hakbang palang sa hagdan ay tiyak na ubos na kaagad ang pasensya ko.

Walong buwan na kasi ang tyan ko, sa susunod pang mga linggo ay nasa ika-siyam na buwan na ako at inaasahan na namin ang paglabas ng kaisa-isa naming anghel ni Calix.

Ang tungkol sa kasarian ng bata, alam ko na. Pero hindi ko pa nababanggit kay Calix dahil kapag magigising naman ako ay wala na siya sa tabi ko, kung uuwi siya ay gabi na. Kaya hindi ko alam kung kailan ako titiyempo.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang