Chapter 25

1.4K 30 2
                                    

Chapter 25

Natulala ako matapos marinig ang sinabi ni Krizzy. Noong una'y akala ko nabingi lang ako, pero hindi. Akala ko rin, nagbibiro lang siya pero hindi 'yon mababakasan sa mukha niya. Totoo nga, may ugnayan silang dalawa ni Calix. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ito nabanggit sa akin dati pa, pero paniguradong may dahilan. Hindi rin naman mukhang inilhim nila sa akin. Siguro'y nakalimutan lang o 'di kaya'y akala nila, alam ko na ang tungkol sa bagay na 'yon.

Panay ang hingi sa akin ng pasensya ni Krizzy, paulit-ulit. Pero hindi naman ako nainis o nagalit manlang. Oo nagulat ako, nabigla pero hindi ako nakaramdam ng inis o kahit galit sa kanilang dalawa. Sa kabilang banda ay parang gusto ko pang matuwa kasi una palang pala ay may koneksyon na kami ni Calix, may naguugnay na sa amin dati palang.

"Pasensya na talaga Kesh..." sabi na naman niya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit mula sa likuran. "Epal din kasi ni Calix, hindi manlang sinabi," reklamo niya.

Natawa ako sa inakto niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa may balikat ko, nakayakap. Tinapik tapik ko 'yon. Sa ganoong paraan ko pinaalam sa kanya na ayos lang at hindi ako galit.

Sa totoo lang, wala naman talagang dapat ikagalit sa bagay na 'yon. Ang mahalaga, sinabi niya pa rin. Isa pa, kung hindi niya, nila sabihin, sooner or later, malalaman ko rin naman dahil kapag naikasal na kami ni Calix, mas makikilala ko pa ang pamilya niya at mga kamag-anak.

"Sure kang ayos lang talaga?" tanong niya at sinilip pa talaga ang mukha ko. Nang hindi makuntento ay mas lalo siyang sumiksik sa akin. "Baka mamaya, sinasabi mo lang na okay pero deep inside, may sama kana ng loob sa akin."

Muli akong natawa. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin. Hinarap ko siya na may ngiti sa labi. "Hey, ayos nga lang, hindi rin naman masyadong big deal iyon."

Sumimangot siya. "Anong hindi? Magiging parte kana ng pamilya pero ang bagay na 'yon ay ngayon ko lang sinasabi sa 'yo."

Umiling ako. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Hayaan mo na, naiintindihan ko naman, sa dami ng nangyari, baka nawala lang din sa isip nila kaya walang nakapagsabi sa akin."

Bumuntong hininga siya. Kinuha niya 'yong kutsara ko at sumandok ng kanin na may sabaw. "Nakakainis naman kasi si Calix!" iritado niyang sinabi habang ngumunguya.

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

Nilunok niya ang pagkaing nginunguya saka uminom ng tubig. "Ang hirap hirap kaya umakto na parang hindi kami magkakilala!" reklamo niya. Muli na naman siyang sumubo ng pagkain ko. "Ang challenging ng part na 'yon ah."

Pinanood ko siyang kumain. Napangiwi pa ako nang makitang malapit na niyang maubos ang pagkain na nasa pinggan ko kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na buhatin ang pinggan at ilagay mismo sa tapat niya.

Nang makita ang ginawa ko ay doon lang siya natigilan sa pagkain. Napatakip pa siya sa kanyang bibig saka ako dahan dahang nilingon. "Omg! Ako na ang nakaubos ng pagkain mo, sorry."

Ibabalik na sana niya sa akin ang pinggan pero umiling ako, senyales ng aking pagtanggi. "Ubusin mo na 'yan," sabi ko saka dahan dahang tumayo.

Dumiretso ulit ako sa may ref. Pagbukas ko, agad na hinanap ng paningin ko ang paborito kong kainin sa t'wing matatapos akong kumain ng agahan, tanghalian o hapunan. Ganoon nalang ang pagkunot ng noo ko nang makitang wala na ito roon. Ilang beses kong chineck pero wala talaga! Nasaan na 'yon?! Sinong kumain ng cake ko?

Inis kong sinarado ang ref. Humugot ako ng malalim na hininga bago nagdesisyong tawagin si ate Mirna.

"Ateeee!" may kalakasan kong tawag.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now