Chapter 6

12.8K 261 5
                                    

Chapter 6

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Dumiretso kaagad ako sa banyo para maligo. Paglabas ko, namili na ako ng susuotin. Nang makapamili ay nagtungo ako sa harap ng salamin.

Sinulyapan ko sandali 'yong maleta ko na nasa may gilid ng kama. Ngayon ang flight ko papuntang London para sa kasal nina Creed at Dauntiella. Bukas 'yon gaganapin kaya ngayon palang aalis na ako. Buti na nga lang at nabakante ko ang sched ko sa mga susunod pang araw kaya makakatagal pa ako ng ilang araw roon.

Matapos ang nangyari no'ng isang araw sa hotel ni Calix ay hindi na ako nagabala pang tawagan siya o itext. Hindi na rin ako nakipagkita sa kanya.

Wala na rin naman akong balita sa kanya, nakapagtataka pa na sina Mommy ay hindi manlang nagtanong no'ng hindi na pumunta dito si Calix para sunduin at ihatid ako, pero naisip kong maayos na rin 'yon. Mas pabor pa sa akin na hindi sila nagtatanong.

I'm falling for Calix, alam ko 'yon. Sa ilang linggo naming pagsasama, unti unti akong nahulog sa kanya. At 'yong mga nangyari sa pagitan namin, para sa akin, hindi 'yon sex lang, we made love, pero sa takot ko na baka hindi naman gano'n ang nasa isip niya ay naisip ko nalang na umiwas para matigil na.

Hangga't maaga pa, dapat iniingatan ko na ang puso ko. Besides, knowing Calix? Hindi siya naniniwala sa love or relationships na 'yan. Masasaktan lang ako kapag gano'n.

Hindi ko rin naman masabi na pafall siya kasi mukhang natural lang naman ang ipinapakita niya sa akin. Isa pa, kasalanan ko rin naman, hinayaan ko siyang pumasok sa buhay ko. Nagtiwala ako sa kanya kaya binigay ko ang sarili ko.

Aminado ako na first time akong nakaramdam ng ganito, 'yong tipong excited ako sa t'wing sasapit ang uwian kasi makikita ko siya, maaabutan ko siyang naghihintay sa akin.

And I hate to admit it pero hinahanap hanap ko siya, ang presensya niya, everything about him. Kung pu'pwede nga lang ay araw araw kaming pumunta ng hotel eh, pero syempre nasa katinuan pa naman ako. Ako ang babae kaya dapat maghinay hinay rin ako.

Nabalik ako sa realidad nang marinig ang tinig ni ate Luisa sa may pintuan. "Ma'am ready na po ang sasakyan sa ibaba."

Sinulyapan kong muli ang sarili sa salamin. Nang makuntento ay hinila ko na ang maleta ko palabas.

"Ilang araw ka sa London?" tanong ni Mommy nang makarating kami sa labas.

Ang maleta ko ay kinuha na ng aming driver, ipinasok niya na 'yon sa loob ng sasakyan.

Nilingon ko si Mommy. "Nagextend ako, so baka 2-3 days."

Tumango tango siya. "Hmm, take care," aniya saka inayos ang buhok ko sa likuran.

"Thanks Mom, ingat din kayo ni Dad."

"Sure, nga pala..."

"What is it? May ipapabili ka ba roon?"

"Si Calix? Akala ko ay sabay kayong pupunta roon?" parang nagalangan pa siyang itanong 'yon sa akin.

"Ah baka nauna na siya, I don't know," sagot ko.

Hindi naman na nagtanong pa si Mommy kaya pumasok na ako sa sasakyan.

Pagdating sa airport. Ilang minuto lang akong naghintay bago tinawag ang flight. Pagpasok ko sa eroplano nagulat ako nang madatnan si Calix sa tabi ng upuan ko.

Nang magtama ang pareho naming mata ay ako na ang kusang umiwas. Naupo ako sa tabi niya na hindi manlang siya nililingon.

"Kesh..."

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now