Chapter 4

13.7K 320 8
                                    

Chapter 4

Days passed by smoothly at hindi ko na ulit nakita pa si Calix. Well, I was busy, same goes with him. Isa pa, mas pabor pa sa akin na hindi ko siya nakikita. Atleast hindi na ako masyadong maitutulak pa ng mga magulang ko sa kanya.

Kung ako, sobrang abala. Ang mga kaibigan ko naman ay parang si  Dora. Kung saan saan sila nakakarating, panay ang kain at panay rin ang send ng pictures sa akin. I wanted to go with them pero hindi ko rin maiwan ang hospital. Besides, mas mahalaga ang mga pasyente kaysa sa gala.

Katatapos ko lang puntahan ang pasyente ko, kasalukuyan akong naglalakad sa may hallway nang madaanan ko na naman ang nursery. Sandali akong huminto sa tapat no'n at pinakatitigan ang mga sanggol na naroon.

Kada araw, napakaraming sanggol ang isinisilang. Kada araw, may panibagong buhay, biyaya.

"Keshia!" Naalis ang paningin ko sa mga sanggol nang marinig ang mga boses na 'yon.

Yes, hindi lang isa ang tumawag sa akin kundi dalawa! Nasapo ko pa ang sariling noo habang papalapit sila. Nang dahil sa sigaw nila, naagaw nila ang atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya! Kung bakit naman kasi kailangan pang sumigaw?

Bago pa man ako makapagsalita ay yumakap na silang dalawa sa akin. Napakalapad pa ng ngiti nilang dalawa.

"Bakit ba kayo sumisigaw ha? sabay pa talaga kayo ha!nakakahiya!" singhal ko pero ang mga loka inirapan lang ako.

"Tsk ikaw naman oh, ang sungit mo! meron ka ba?" tanong ni Angela.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako bigla ng kaba at kung anong gulat pero hindi ko 'yon pinahalata sa kanila.

Sandali kong kinuha ang phone ko at tinignan ang period tracker ko. Sa sobrang busy ay halos hindi ko namalayan ang paglipas ng mga araw. Almost 3 weeks na akong delayed! Ni hindi ko manlang 'yon napansin!

Nabalik lang ako sa realidad nang bigla akong sikuhin ni Krizzy. "Ano nga? Meron ka?" tanong niya.

Si Krizzy ay isa sa mga kaibigan ko. Bukod kay Angela, siya ang madalas kong kasama. No'ng nagpunta ako sa bar ay naroon din siya.

Umiling ako. "Wala pa 'ko, teka bakit nga pala kayo nandito?" pagiiba ko sa usapan.

Nagkatinginan ang dalawa at sabay na ngumiti. "Yayayain ka sana naming mag meryenda sa labas eh, tsaka may sasabihin kami sayo, I mean balita pala."

Hmmm tungkol naman kaya saan? Balita ba talaga 'yon o chismis?

"Tungkol saan 'yang ibabalita niyo? Siguruduhin niyo lang na hindi 'yan aksaya sa oras ah," sabi ko pa habang nakangiwi.

"Hindi, so ano game?" si Angela.

Bumuntong hininga ako bago tumango. Nagapir pa ang dalawa nang makumpirma ang pagpayag ko.

Bumalik ako sandali sa opisina ko para kuhain ang ilang gamit ko. Matapos 'yon lumabas na kami sa parking, ginamit namin 'yong sasakyan ni Krizzy.

Habang nasa byahe, panay lang ang kwento nila tungkol sa mga pinuntahan nila no'ng nakaraan. Hindi naman ako makarelate kasi hindi ako nakasama.

Natigil lang sila sa pagkekwento nang huminto kami sa tapat ng Contis. Nang makahanap ng mauupuan ay kinuha na namin ang menu. Ilang sandali pa ay nilapitan na kami no'ng waiter.

"What's your order Ma'am?" tanong ng waiter sa aming tatlo nina Angela at Krizzy.

"Blueberry cheesecake sa akin," sagot ni Angela bago isinara ang menu na hawak.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now