Chapter 33

1.3K 29 2
                                    

Chapter 33

"Happy Christening babies!"

Umilangaw-ngaw ang boses ni Cae sa kabuuan ng lugar. Kadarating niya lang at may mga bitbit pang regalo. Hindi na siya nakasama pa sa church kanina kaya sabi ko, dito nalang siya sa handaan dumiretso.

Lumapit siya sa amin ni Calix. Karga ko iyong baby girl namin na pinangalanan naming Calia Klaire at karga naman ng aking soon-to-be-husband iyong baby boy na si Callum Kaede.

"Ang cute naman nila," ani Cae saka nginitian ang dalawang babies. Ang mga regalong dala niya ay ipinakita niya pa sa dalawa. Tuloy ay tumawa ang mga ito at pumalakpak pa.

Nagkatinginan kami ni Calix at ngumiti sa isa't isa. "Sabik sa baby e," bulong ko.

"Wala pa kasi siya," sagot niya sabay tawa.

Mukhang narinig iyon ni Cae kaya sinamaan niya ng tingin si Calix. "Narinig ko 'yon," sabi niya.

"Totoo naman kasi Cae, wala ka pang baby," diretsang sinabi 'yon ni Calix.

Inirapan siya ni Cae. "Palibhasa kayo, nakadalawa agad!"

"Magasawa kana kasi," sabi ko.

"Paano magaasawa 'yan e boyfriend nga wala?" Natawa si Ella. Mukhang napansin din niya na nandito na si Cae kaya lumapit siya rito. "Late ka ah!" aniya at pinanliitan pa ng mata ang kaibigan.

"Tigilan mo ako Ella, porket ikaw...dalawang beses pinakasalan ng asawa mo," naiiling na ani Cae.

Tumaas ang isang kilay ni Ella. "Syempre, mahal niya ako e," mayabang nitong sagot. "E, ikaw...mahal kana ba ni Ash?"

Nanggigil na si Cae. Nahalata namin iyon dahil masama na ang kanyang tingin, miski ang ipin niya ay labas na rin. Senyales na napipikon na siya sa pinagsasasabi ng kaibigan.

"Hindi na nakakatuwa." Dinuro niya pa si Ella pero tinawanan lang siya nito. "Porket wala kong lovelife ganyan na kayo sa akin." Pinagkrus niya ang parehong braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. "Kapag ako lang talaga nakahanap..."

Magsasalita na sana kami nang mamataan namin si Ash na palapit dito. May dala itong basa na may lamang champagne. Kung oras ng pagdating ang pagbabasehan, higit na maaga si Ash kumpara sa kanyang best friend. Talaga bang hindi na sila magsasabay?

Hindi nakita ni Cae si Ash dahil nakatalikod siya sa gawi namin. Sinulyapan ako ni Ella saka ngisian.

"Oh bakit natahimik na kayo?" mataray na tanong ni Cae. Nakataas pa ang isang kilay. Nang wala pa rin ni isa sa amin ang magsalita ay nagtaka na siya. "Bakit hindi na kayo nakasagot? Anong klaseng trip ba 'to?" sunod sunod niyang tanong.

Sumipol si Calix at bahagya pang isinayaw si Callum.

"Ano nga? Nayayamot na ako!" pagmamaktol niya.

Lumapad ang ngiti namin nang sa wakas ay nasa likuran na ni Cae si Ash. Sinenyasan pa kami nito na huwag magingay kaya naman hindi talaga kami nagsalita. Ngumisi siya at basta nalang inilapit ang labi sa batok ni Cae. Hinalikan niya ito roon.

Nagulat kaming tatlo nina Ella at Calix. Nagawa pa nga naming takpan ang mata ng dalawang babies. Grabe, hindi namin inaasahan 'yong pare-pareho.

Napasinghap si Cae dahil doon. Gulat siyang lumingon sa likuran. Nanlaki pa ang mata niya nang mapagtantong si Ash ang humalik sa kanya. "Ash..."

"You're early babe," sagot nito sabay lagay ng kanyang kanang braso sa bewang ng kaibigan.

"Babe? What the hell Ash?" asik nito at bahagya pang dumistansya kay Ash.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon