Chapter 22

9.7K 182 3
                                    

Chapter 22

Nanatili ako sa tabi ni Calix, pinagmamasdan ko siyang matulog ngayon. Sa ilang araw na magkasama kami ay pulos iyon lang ang nangyayari. Inaalalayan ko siya at tinutulungan sa lahat. I was so eager to help him out, buti na nga lang at hindi siya tumatanggi at hinahayaan lang ako sa mga gusto kong gawin. We talked already at nagpaliwanag din siya sa akin. He told me that he was actually on his way to the church nang bigla nalang may tumawag sa kanya at nagsend ng picture ko. He wasn't going to believe it at first pero noong hindi niya raw ako macontact miski ang mga kaibigan namin ay kinutuban na siya, so nagmadali siya papunta roon, pero hindi pa siya nakakalapit sa lugar ay may bumangga na sa kanya.

Sa totoo lang, noong marinig ko ang mga kwento niya ay hindi ko alam ang mararamdaman, pero nanaig din sa akin ang guilt at disappointment sa sarili ko, na kung sana nagawa kong sagutin ang phone nang mga oras na iyon ay hindi sana umabot sa ganoon. I cried and hugged him tighter matapos niyang sabihin ang lahat ng iyon sa akin, sa amin ng pamilya niya. Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi sorry

Laking pasalamat ko talaga na may nakakita sa kanya at inalagaan siya, tuloy ay hindi siya nahirapan at nakaramdam ng kung ano ano lalo na sa kanyang katawan. Nagpapasalamat ako na ligtas siya at hindi siya pinabayaan ng mga taong iyon. Gusto ko silang puntahan at pasalamatan mismo sa kabutihang kanilang ginawa. I owe them Calix's life. 

Aside from that, ipinaliwanag ko na rin sa kanya ang tungkol sa baby. I expect him to get angry or what, pero hindi ganoon ang nangyari. The moment he found out, 'ayun na ang kanyang mga luha, he keeps saying thank you and I love you, paulit ulit at maya't maya. Tuloy ay naiyak ako habang pinagmamasdan siyang haplusin at halikan ang malaki kong tyan. 

"Oh God, thank you, I love you Kesh," nakangiti bagaman naluluha niyang sinabi. 

"Buti nalang at nakabalik kana, God knows how I longed for you," bulong ko habang naluluha, titig na titig sa kanya. 

I almost give up, akala ko isisilang ko ang anak namin na wala siya, akala ko kaya ko kahit wala siya pero niloloko ko lang pala ang sarili ko. I want him, so badly, by my side...

At tiyak na hindi ko kakayanin kung sakaling may mangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko at paulit ulit akong masasaktan. 

Days went by so fast, ilang araw lang ang inilagi ni Calix sa hospital pagkatapos ay pinayagan na rin siyang umuwi. Doon kami tumuloy sa bahay nila, sa kagustuhan na rin nina Tito Landrus at Tita Lynnea na mabantayan si Calix, ayaw na nilang maulit pa ang nangyari. Hindi na nila hahayaang may mangyari pa sa kanilang kaisa-isang anak. 

"Kesh you'll stay here right?" tanong niya, nakaupo siya ngayon doon sa couch habang ako ay nakaupo sa may paanan ng kanyang kama, inaayos ang mga damit niya.

I sighed. "Calix kasi may pamilya rin akong uuwian," paliwanag ko. Sandali kong tinigilan ang pag-aayos ng kanyang mga damit. Tinignan ko siya. 

"But I want you here beside me, I need you here with me now," malungkot niyang tugon. 

Ngumuso ako. "Bibisitahin nalang kita araw araw."

Mabilis siyang umiling. Pinagkrus niya ang parehong braso sa kanyang dibdib. He's avoiding me now. Ayaw na niya akong tignan. 

Nakamot ko ang sariling noo. "Calix naman, huwag ka ng ganyan, buntis ako at bawal mastress."

Sandali siyang sumulyap sa akin pero kaagad ding binawi ang kanyang tingin. "Iyon na nga ang point ko, buntis ka at malaki na ang tyan mo kaya mas makakabuti kung dito kana muna kasama ko."

Hindi ako nakasagot, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Pakiramdam ko ay talo na ako. Aminado naman akong tama siya at may punto pero kasi iniisip ko rin ang mga magulang ko. Ayoko namang bigla silang iwan, buti sana kung ilang araw lang e...kaso ang gusto ni Calix ay parang dito na ako tumira, he won't let me go, not a chance. 

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now