Chapter 29

1.3K 25 2
                                    

Chapter 29

May party ngayon dito sa bahay namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan nina Mommy at Daddy at bigla nalang nagpaparty at kung sino sino pang inimbitahan. Of course, karamihan ay pulos mga kasamahan nila sa business, ang iba naman ay kakilala lang. Mom also told me that she invited some of my friends, nang tanungin ko naman kung sino ay hindi naman niya ako sinagot. Ang tanging sinabi niya lang ay maghintay ako at malalaman ko rin naman. 

Kaya 'ayun, wala na nga akong nagawa. Hindi ko na rin masyadong nakausap pa ang mga ito dahil nga masyado silang abala sa mga bisita. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng aming bahay. Napakaraming tao, okupado nila ang bawat sulok nito, well, maliban sa itaas dahil hindi naman kami nagpapaakyat doon, maliban nalang kung kamag-anak at kaibigan. 

Ako palang ang nandito, wala si Calix, miski ang mga tropa namin at si Krizzy ay hindi pa dumarating. Buti nalang din at nandito si Delune kaya kahit papaano'y naaaliw ako. Ang baby niya ay naroon sa nursery kasama ng yaya. Mas okay kasi na naroon siya para tahimik, baka kasi kapag nakita ng mga bisita ay kalungin ng kalungin, mahirap naman at baka mausog pa. Saka nalang siguro kapag malaki laki na.

"Hindi mo talaga alam kung bakit sila nagpaparty ngayon?" nakangising tanong ni Delune bago siya uminom ng wine roon sa baso na hawak niya. 

Ngumuso ako. Wala naman talaga akong alam sa mga ganitong kaganapan. Malay ko ba na may party pala ngayon, kung hindi pa ako tinawagan para pumunta rito ay hindi ko pa malalaman ang tungkol doon. 

"Hindi ko nga alam," sagot ko sabay kuha ng isang baso ng juice doon sa waiter na dumaan. Uminom ako ng kaunti no'n bago ibinalik sa aking pinsan ang paningin.

Inilapag niya ang wine glass sa katapat naming lamesa. Kinuha niya rin ang basong hawak ko at siya na rin ang naglapag no'n sa ibabaw ng table. "Baka magulat ka sa sasabihin ko at masamid kaya ayan, dyan na muna."

Baka magulat sa sasabihin niya at masamid?  Bakit, gaano ba kalala ang sasabihin niya para umabot sa ganoon? Nako, sinasabi ko na nga ba, may iba akong kutob sa kaganapan ngayon. At sa tingin ko'y wala akong ibang masisisi roon kundi ang mga magulang ko. 

"So...tell me, bakit may paparty ngayon?" tanong ko, magkakrus na ang parehong braso sa ibabaw ng dibdib. 

Ibinuka na niya ang kanyang bibig pero kaagad ding sumara nang mapako ang kanyang tingin doon sa may likuran. At dahil, nacurious ako ay lumingon ako at sinundan ang tingin niya. Ganoon nalang ang gulat ko nang makita ang isang pamilyar na tao na nakangiti habang naglalakad palapit sa direksyon ng aking mga magulang. 

Bago pa man niya ako makita ay mabilis na akong tumalikod sa gawi niya. Kinurot ko si Delune sa kanyang braso. Nang maramdaman ang sakit ay sinamaan niya ako ng tingin. Inalis niya na rin iyong kamay ko at hinawakan niya lang para pumirmi at hindi na ulit siya makurot pa.

"Bitawan mo na ang kamay ko," pabulong ngunit may diin kong turan.

Sinulyapan niya ako saka inilibot na muli ang paningin. Batid kong iyong bagong dating ang tinitignan niya. "Shh, pumirmi ka riyan."

Inirapan ko siya. Pilit ko ring hinablot ang kamay ko pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya rito kaya hindi ko mahila-hila. 

"Oh! Nandito lang pala kayo."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na 'yon. It was Emmie! She's here! Himalang narito siya ngayon, 'cause knowing Emmie? Bibihira 'yang magpakita sa mga party ng aming pamilya. Mas gusto niya kasi sa tahimik, ayaw niya sa maraming tao. Naiirita raw siya at naiinitan.

"Emmie, himala yatang nandito ka," si Delune na ngayon ay na kay Emmie na ang paningin.

Ngumiwi ang pinsan kong babae saka inilingan si Delune. "I'm a changed woman now, of course pupunta ako," sagot niya. Pumagitna siya sa amin ni Delune, dahilan para bitawan ng aking pinsan na lalaki ang kamay ko.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon