Chapter 15

11.7K 211 2
                                    

Chapter 15

Hindi nagsalita si Calix matapos ko 'yong sabihin, wala siyang sinabing kahit ano. Tuloy ay hindi ko maiwasang kabahan. Oo nga at pinunasan niya ang luha ko pero bukod doon ay wala na. Nagulat pa ako ng bigla niya akong pagbihisin at sinabihang pupunta ng hospital.

Wala akong nagawa kundi sumunod nalang, gusto kong matuwa dahil ibig sabihin lang no'n ay may pakialam siya sa bata, pero sa kabilang banda hindi ko rin maiwasang malungkot kasi wala pa siyang sinasabi na kahit ano magmula kanina.

Sa buong byahe namin patungo sa hospital, panay lang ang sulyap ko sa kanya. Kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ay mabilis kong iniiwas ang paningin ko, ibinabaling ko 'yon sa may bintana.

"How's the baby Doc?" tanong ni Calix habang inuultrasound ako no'ng OB na kakilala niya, ang paningin niya ay naroon lang sa screen. Titig na titig siya roon.

Nakangiti siyang nilingin ng Doctora. "The baby's fine and healthy, iwas stress lang siguro, don't worry, may mga vitamins naman siyang tinetake para mas maging healthy ang baby."

Tumango si Calix. "Kailan namin pwedeng malaman ang gender ng baby?"

Gulat kong nilingon ang boyfriend ko. Gusto kong ngumuso dahil masyado pang maaga para malaman ang bagay na 'yon. Kadalasan, nalalaman ang gender ng baby kapag nasa limang buwan na ito. Pero sa lagay ko, wala pa ako roon.

Ngumiti ang Doctora. "Sa mga susunod pang buwan, excited kana ba? Gusto mo ng mamili agad ng gamit?"

Ngiti lang ang isinagot ni Calix. Matapos 'yon, pumunta kami ng mall. Hindi ko alam kung anong naisip niya at niyaya ako rito, pero hinayaan ko nalang. Isa pa, nagugutom na rin ako. Gusto ko ng kumain! Puro pa fast food ang nandito, naglalaway na ako.

"Wife where do you want to eat?" tanong ni Calix na ikinagulat ko.

Did he just called me wife? Omona, anong ibig sabihin no'n?

Kumabog bigla ang dibdib ko, napatitig ako kay Calix, I even blinked twice kasi baka nagiimagine lang ako pero mukha namang hindi.

"Hmm?" aniya nang hindi ako makasagot agad.

"Ha?" wala sa sarili kong naitanong, titig na titig pa rin sa kanya.

"Where do you want to eat?" pag-uulit niya.

Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. Hindi na niya ako tinawag na wife! Ano ba naman 'yan!

"Kesh..."

"Now you're calling me Kesh!" sigaw ko na ikinagulat niya.

"Easy baby," aniya sa kalmadong paraan.

"Kesh ka ng Kesh e baby nga diba?" masungit kong tanong.

Sinusumpong na naman ako ng pagiging moody! Nakakainis naman kasi 'tong si Calix! Gusto ko siyang paluin at kurutin!

"I'm sorry," natatawa bagaman naiiling niyang sinabi bago ako tuluyang yakapin. Tinapik tapik niya ang likod ko, sa ganoong paraan niya ako pinapakalma.

"Sorry? Pagkatapos mong hindi magsalita kanina." Kahit nasa ganoong posisyon kami ay sinamaan ko siya ng tingin.

Kinalas niya ang yakap at hinarap ako. "Pasensya na."

"Pasensya? Sinabi kong buntis ako tapos wala ka manlang kareact react huh? Manhid ka ba? Alam mo bang kung ano ano ng tumatakbo sa isip ko, na baka hindi mo gusto 'yong—" Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin at gawaran ako ng isang mabilis na halik sa labi.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now