Chapter 5

13.2K 268 4
                                    

Chapter 5

Warning: Read at your own risk. Some scenes and languages may not be suitable for young audiences.

"Ano 'yong sasabihin mo?" tanong ko nang hindi na siya ulit nagsalita.

Hinarap niya ako, ibinuka na niya ang bibig ng biglang may tumawag. No'ng una'y nagdalawang isip pa siya kung sasagutin 'yon pero sa huli'y sinagot din naman niya.

"Creed," aniya sa kabilang linya.

[Natanggap mo na ba ang invitations?]

"Oo."

[Inaasahan kita sa kasal ko]

Ngumiti si Calix. "Pupunta ako don't worry."

[Naibigay mo ba kay Keshia?] Batid kong 'yong invitation ang tinutukoy ni Creed.

"Yeah, she's with me right now," pag-amin ni Calix sabay sulyap sa akin.

[Good, see you soon]

Ibinaba na ni Calix ang tawag saka ako sinulyapan ulit.

"Ano nga ulit 'yong sasabihin mo?" tanong ko na naman.

Umiling siya saka binuhay ang makina ng kanyang sasakyan. "Huwag mo ng isipin 'yon, nakalimutan ko na rin."

Tumango ako at hindi nalang ulit nagsalita pa. Inihatid ako pabalik ni Calix sa hospital. Akala ko'y hanggang sa labas lang siya, pero sumunod pa siya sa akin hanggang sa loob.

Tuloy, lahat ng madaanan naming tao ay tinitignan siya.

Pumasok kami sa opisina ko. Inilapag ko ang bag sa lamesa saka isinuot ulit ang coat ko. Naupo naman siya roon sa couch. Tinignan niya lang akong ayusin ang sarili.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko.

Ngumisi siya. "Can I stay here?"

"Why?"

"Wala naman na akong gagawin, ayoko rin munang umuwi sa bahay."

"Okay, suit yourself, kapag nabored ka ay pwede ka namang umuwi nalang."

Tumango lang siya kaya lumabas na ako at iniwan siya. Ilang oras akong naging abala sa buong ward dahil dumagsa ang pasyente nang sumapit ang hapon.

Saktong pagkatapos ko, nilapitan ako ng isang nurse.

"Doc Keshia."

Nilingon ko siya at nginitian. "Bakit?"

"Iyong boyfriend niyo po, nakatulog na yata kahihintay sa inyo."

Nangunot ang noo ko, natigilan ako sa paglalakad at nilingon ang nurse. "Boyfriend?"

Wala naman akong boyfriend 'di ba? Kaya sinong tinutukoy nitong nurse?

"Opo, nakatulog na po siya roon sa upuan kahihintay sa inyo."

Tinanguan ko nalang ang nurse at mabilis na pinuntahan ang sinasabi niyang kinaroroonan ng boyfriend ko kuno.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Calix na tulog na tulog doon sa upuan. Bakit nandito pa 'to? Gabi na ah? Hindi ba siya hinahanap sa kanila? Tsaka sa dinami rami ng pwedeng tulugan, bakit dito pa?

Akala ko naman ay umuwi na siya, pero bakit?

Nilapitan ko siya. Bahagya pa akong yumuko para magpantay ang mukha naming dalawa. Inilagay ko ang kanang braso sa likod ng inuupuan niya para mabalanse ang sarili.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ