Chapter 27

1.3K 28 2
                                    

Chapter 27

"Keshia..." Muling tinawag no'ng matandang babae ang pangalan ko kaya nabalik sa kanya ang paningin ko.

Kanina pa ako hindi nagsasalita, ang paningin ko ay napako roon sa baby na karga karga niya. Sinubukan niya akong lapitan at kausapin pero hindi siya hinayaan ng mga magulang ni Calix, iniisip kasi nila ako, na baka kung anong gawin nito sa akin, wala silang tiwala kahit pa sinabi kong kilala ko iyon.

Inanyayahan siya ng mga ito sa loob ng bahay para roon makapagusap ng maayos. Hindi naman nagdalawang isip pa ang matanda at pumayag din sa kagustuhan ng magasawang Fontanilla.

Dahan dahan siyang naupo sa sofa, ang paningin ay hindi manlang inaalis sa akin.

"Ano pong sadya ninyo kay Keshia?" si Tita Lynnea na ang naglakas loob na magtanong at bumasag sa katahimikan na bumabalot sa amin.

Bumuntong hininga ang matanda. "Gusto ng pinsan mong ampunin mo ang anak niya," diretsa niyang tugon na hindi ko na ikinagulat.

Kanina pa, may kutob na akong ganoon nga ang sasabihin niya. Ang pinsan kong si Delune ay walang kahilig hilig sa bata, ang nanay ng bata ay hindi manlang niya kilala. Nagulat nalang siya na isang araw ay may bata na sa labas ng unit niya. Hindi rin naman siya ganoon kasama para ipatapon ito at pabayaan nalang basta basta.

Few days or weeks after, nang wala pa rin siyang mahanap na lead sa nanay ng bata ay hindi na siya nagdalawang isip na ipa-DNA test iyon. Nagmatch sila kaya hindi maipagkakailang anak niya.

Delune is a guy na marami pang gustong gawin sa buhay. He wants to live his life to the fullest. Tutok siya sa career niya at hindi isang sanggol ang makakahadlang sa gusto niyang marating.

That cousin of mine is a bit pasaway, masyadong malakas ang loob niya, malakas ang trip at minsan'y pulos kalokohan ang alam kaya hindi na rin kami nagtaka no'ng malamang may anak na siya.

"Where's Delune?" tanong ko. Ang paningin ay naroon na sa matanda.

Kailangan ko siyang makausap. Dahil oras na makapagusap kami at sabihin niya sa aking ampunin ko ang sanggol ay walang pagaalinlangan ko itong tatanggapin. After all, kadugo ko pa rin ang batang ito. And I love kids.

Kailangan ko rin sigurong kausapin si Calix, dahil kung papayag siya, apelido niya ang ipagagamit ko sa batang ito. Kami ang tatayong magulang niya, palalakihin namin siya ng maayos at ituturing na parang sariling anak, pero syempre kapag dumating ang oras ay ipagtatapat din namin sa kanya ang totoo.

"Pupunta raw siya rito para kausapin ka, pero sa ngayon, gusto niyang sa 'yo muna ang bata." Tumayo si Manang Gina at lumapit sa akin. Ibinigay niya sa akin ang sanggol. Agad ko naman iyong kinuha at kinarga ng maayos.

Nang mapunta sa bisig ko ang baby ay hindi na naalis dito ang paningin ko. Ang kutis niya ay mamula mula, namana niya iyon kay Delune. Miski ang kanyang mata, labi at ilong ay sa pinsan ko rin. Napakagandang anghel.

Ngumiti ako nang biglang gumalaw ang baby at mag-unat. Naramdaman ko bigla ang presensya ni Krizzy sa tabi ko, mukhang gaya ko, nagandahan din siya sa sanggol.

"Bakit parang kamukha mo?" tanong bigla ni Krizzy at pinagpalit palit pa ang tingin sa mukha ko at sa baby na karga ko.

"Krizzy, hindi naman malabong mangyari iyon lalo na at magkadugo si Keshia at Delune," tugon ni Tita Lynnea. Gaya ni Krizzy, lumapit na rin silang dalawa ni Tito Landrus sa tabi ko. Lahat kami ay napako ang tingin sa batang nasa bisig ko.

"Narito ang mga gamit niya, pasensya na at kailangan ko ng umuwi." Doon lang naalis ang tingin ko sa baby. "Babae 'yang sanggol na hawak mo," dagdag ni Manang Gina nang makitang nakatingin ako sa kanya.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now