Chapter 23

11K 206 0
                                    

Chapter 23

"Keshia..."

Gulat akong tumitig kay Ella matapos marinig ang pangalan ko. "What?" tanong ko.

Hindi ko na nagawang makasabay sa usapan nila kanina dahil inaantok talaga ako at may ibang tumatakbo sa isipan ko. Ang isip ko ay nasa kama, na kay Calix at sa mga maaaring mangyari ngayong nakabalik na siya.

Nasapo niya ang sariling noo saka umiling. "We were talking about your upcoming wedding pagkatapos ay parang wala ka sa iyong sarili."

Nakagat ko ang ibabang labi saka mabilis na dinampot ang aking baso. Ininom ko ng tuloy tuloy iyong laman ng baso ko. Naramdaman ko ang pangungunot ng noo nila habang pinagmamasdan ako pero hindi ko na lamang iyon pinansin at ipinagpatuloy nalang ang pag-inom.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Lauri na may bahid ng pagaalala.

Tumango ako saka bumuntong hininga. "Yes I'm fine, kulang lang siguro sa sleep," pagdadahilan ko.

Ngumiwi siya. "Nako, bawal pa naman sa buntis 'yong pagpupuyat."

Alam ko naman iyon e, bilang Doctor, alam ko ang mga bawal at pwede. Pero kasi syempre, tutok ako kay Calix lately kaya siguro ganoon, hindi ko na masyadong napansin.

"Duh! Natural alam niya 'yan, Doctor siya." si Cae na kadarating lang, naupo siya sa upuang katabi ng sa akin.

"Oh, late ka yata Caecilia," ani Ella at pinanliitan pa ng mata ang kaibigan.

"May lakad kasi ako kanina," agap niya. Agad siyang kumuha ng isang slice ng pizza na naroon sa may lamesa. Pinanood namin siyang kumain.

Nang maramdaman ang tingin naming tatlo ay itinigil niya ang pagkain saka kami tinaasan ng isang kilay.

"What do you want?" masungit niyang tanong.

"Nauna si Ash sa 'yo rito, himala ata 'yon," si Lauri sabay sulyap kay Ash na ngayon ay kasama nina Calix doon sa may garden.

"Himala? Walang himala roon," agap ni Cae at nagawa pang kumuha ng panibagong slice ng pizza.

"Sabay kaya kayo lagi." si Ella na sinadyang sabihin 'yon na parang nanunukso.

Cae smirked. "Well, iba na ngayon."

Nagkatinginan kaming tatlo nina Lauri at Ella saka sabay sabay na napailing. May nangyari siguro sa kanila ni Ash. Parang may kakaiba eh, pero syempre hindi naman nila aaminin iyon kapag itinanong namin. Kaya ang dating, parang kami nalang sa mga sarili namin ang didiskubre.

"By the way Kesh, napagusapan niyo na ba ni Calix kung kailan itutuloy ang naudlot na kasal?" tanong ni Ella. Kasalukuyan siyang may hawak na baso, naglalaman iyon ng mango juice.

Yeah, kasal na naman. And speaking of which, hindi pa namin siya napaguusapan ni Calix. Everytime na ioopen up niya iyon ay kinokontra ko o pinipigil. It's not that I don't want to get married, pero kasi kagagaling niya lang sa aksidente. Dapat ay nagpapahinga muna siya at hindi nagiisip ng kung ano ano.

Naiintindihan ko na gusto na niyang maikasal kami, na gusto na niyang ituloy ang naudlot naming kasal, pero sana naman ay isipin niya ang kanyang sarili. The wedding can wait, I can wait. At kung ako ang tatanungin ay gusto ko sana na sa susunod na taon nalang, matapos kong maisilang ang aming anak.

Dahil kung ngayon, tiyak na hindi na kasya ang wedding gown ko. Masikip na, dahil medyo tumaba ako at may kalakihan na rin ang tyan ko. And ayoko naman na bundat na bundat ako sa oras ng kasal ko. Gusto ko maganda ako at sexy.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Where stories live. Discover now