Chapter 17

10.5K 178 4
                                    

Chapter 17

Gano'n nalang kabilis ang pagmulat ko ng mata at pagbangon sa kama matapos magkaroon ng napakahabang panaginip. Hawak hawak ko ang aking dibdib. Grabe ang panaginip na 'yon! Ikinasal na raw ako...kami ni Calix.

Pero paanong nangyari 'yon eh hindi ko pa naman nasasabi sa kanya ang tungkol sa baby. Isa pa, no'ng oras na sinabi ko sa kanya, saka naman nagkaroon ng aberya. 

"Calix..." tawag ko sa pangalan niya saka pumikit. "I'm pregnant," mahina kong sinabi, napapikit pa ako dahil hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya na nakatingin sa kanyang mga mata. 

Ilang segundo akong nanatiling nakapikit, nang mapagtanto kong tahimik pa rin ay hindi na ako nagdalawang isip na dumilat, ganoon na lamang ang gulat ko nang mapagtantong wala na si Calix sa harap ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko no'n, halo halo iyon pero mas nanaig ang kaba at takot ko, takot na baka hindi niya magustuhan ang balita tungkol sa bata, na baka bigla nalang niya akong iwan.

 I know that it's really a wrong timing, as in sobrang wrong timing!

Ang pagiisip ko nang oras na 'yon ay biglang naputol nang marinig ko si Calix sa may labas ng kwarto, he was talking to someone, lumapit ako sa may pintuan at saka siya sinilip gamit ang maliit na uwang. Mukhang naramdaman niya agad ang pagtingin ko kaya nilingon niya ako at sinenyasang maghintay sa kanya sa loob ng kwarto, kaya naman sumunod ako.

Sumapit ang ilang minuto at sa wakas ay pumasok na ulit siya sa kwarto. Pumwesto siya sa tabi ko saka ako hinarap. 

"Kesh, ano nga ulit iyong sasabihin mo?" tanong niya.

Bahagya akong natigilan pero kaagad ding umiling nang makita ang seryoso niyang mukha. "Wala 'yon, nawala na rin sa isip ko," pagdadahilan ko, I even faked a laugh para talaga hindi na siya mabother pa at magisip ng magisip. 

"You sure?" tanong niya.

Nakangiti akong tumango. "Yes, I'm sure."

Tandang tanda ko pa iyong araw na 'yon, iyong nangyari mismo. At oo, hindi ko talaga nasabi kay Calix ang tungkol sa bata kaya ang panaginip na ikinasal kami, nagpatingin sa doctor at kung ano ano pa ay talagang impossible.

Kinuha ko ang salamin sa gilid ng aking kama at doon pinakatitigan ang aking sarili. Kung titignang maigi ang aking mukha, wala namang gaanong nagbago, hindi ako pumapangit o kaya'y nangingitim, ang tyan ko naman ay wala pang umbok.

Napabuntong hininga ako saka napatitig sa kung saan. Ang panaginip na mayroon ako ay parang totoo kaya akala ko talaga ay ikinasal kami ni Calix at alam na niya ang tungkol sa bata.

"Keshia." Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ang tinig ni ate Luisa.

"Bakit po ate?" tanong ko, bahagya ko pang inayos ang buhok ko na gulo gulo gawa ng pagtulog.

"Nasa ibaba si Calix," aniya habang nakangiti.

Nakagat ko ang ibabang labi saka tumango. "Sige ate, pasabi susunod na ako."

Pagkasabi ko no'n ay umalis na siya at nagtungo na sa ibaba. Napapikit ako at magkakasunod na huminga ng malalim, nagulo ko pa ang buhok sa halo halong emosyon na nararamdaman.

Ang pagpunta sa doctor, ang pakikipagaway kay Janica, 'yong kasal at honeymoon! Lahat ng 'yon ay parte lamang ng panaginip ko, pero bakit parang totoo? Bakit parang nangyari na talaga?

Mabilis kong pinalis ang isiping 'yon at nagtungo nalang sa banyo para magayos. Nagshower lang ako tutal gabi na. Paglabas ko, nagtungo ako sa closet para mamili ng maisusuot. After a couple of minutes I decided to wore my grid print top paired with my handkerchief hem skirt.

Responsibility To Oath (Fixed Series #3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora