34: Reaching

770 46 13
                                    

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school para abangan si Andrea. Maaga ring dumating ang mga kaibigan ko para tulungan ako sa balak ko.

"Ano bang plano?" humihikab na tanong ni Tom.

"Mag-aabang tayo. Dalawa lang naman ang entrance na meron ang school natin. Sa main gate sina Boni, Jax at Jojo. Sa gilid na gate tayo."

"Bakit ako kasama mo?" tanong ni Tom kay Leo.

"Bakit hindi?" asar na tanong ni Leo.

"Hindi ka nagsisipilyo sa umaga eh."

"Ikaw nga, 'di ka naliligo-"

"Tama na 'yan, baka makalagpas pa sina Hailey," awat ni Jojo. "Sasama na ako sa inyong dal'wa."

Pagkatapos mag-usap-usap, agad din kaming pumwesto sa mga entrance. Hinahatid ni Tita Kamilha sina Andrea gamit ang kotse nila pero hindi na nila ito pinapasok pa sa campus, bumababa na lang sina Andrea sa entrance. Madali namin silang makikita dahil do'n kaso paiba-iba sila ng pinapasukang gate kaya dapat ay maging alisto talaga kami para hindi sila makalagpas.

"Hindi ba weird 'to?" tanong ko pagkaraan ng ilang minutong nakatambay lang kami sa may guard house.

Lumingon sa 'kin si Jax pagkatapos humikab. "Hindi naman siguro, wala naman tayong gagawing masama."

"Hindi ba harassment 'to?" tanong ko pa.

"Hindi mo naman pipilitin siyang makipag-usap. Hindi mo rin naman kailangang gawin 'yon."

"Hindi tayo sigurado," malungkot na sagot ko. Naramdaman kong ipinatong ni Jax ang kamay niya sa isang balikat ko.

"Usap lang naman, Boni, hindi ipagdadamot ni Andrea 'yon."

Napatango na lang ako sa sinabi niya. Naisip ko rin kasi na pwede ko namang i-chat o text na lang siya kaso kinakabahan talaga ako. Isa pa, hindi pa rin niya ako cino-contact kaya lalo akong pinanghihinaan ng loob. Paano pala kung totoo 'yung sinabi ni Sofia na ayaw na akong makita ni Andrea? Masakit pero ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko sa kanya.

Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang tapikin ni Jax ang balikat ko.

"Sila na 'yon." Tinuro niya ang isang sasakyan na huminto sa tapat ng school gate.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang kabado ako pero gusto ko na talaga siyang makausap. Agad akong tumayo at naglakad palapit sa kotse nila nang may humarang sa 'kin.

"Oh, Bonifacia."

"Ma'am Manapat," gulat na bati ko sa adviser namin ngayong taon. "Good morning po."

"Good morning din, iha. Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?" tanong niya habang nakangiti.

"Uh, may kailangan lang po akong-"

"Speaking of kailangan, I need your help on something. Since ikaw ang sinuggest na maging president ni Jeslyn, help me with the files of your old classmates," sunod-sunod na aniya.

"Pero, Ma'am, may-"

"Oh, come on. Mabilis lang 'to. I'll give you credit, don't worry."

Aangal pa sana ako kaso hinawakan na niya ako sa isang balikat at isinabay sa paglalakad niya papasok ng school. Lumingon ako kay Jax na hindi man lang napansin ni Ma'am, siguro dahil absent siya kahapon kaya hindi pa siya nito kilala. Sumenyas ang kaibigan ko na sumama na nga lang ako sa teacher namin habang naglalakad palapit sa taong gusto kong lapitan.

"Thanks sa pag-asikaso ng mga 'to, 'nak. I hope ikaw na ang maging president this year."

Tumango ako. "Wala pong problema," matamlay na tugon ko kay Ma'am Manapat. Tapos na ang klase namin sa kanya. Buong period kaming nag-asikaso ng files sa laptop niya, hindi ko na namalayan na wala pa rin pala si Jax sa room.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon