03: Ice Cream

1.1K 74 15
                                    

4 years later

"One, two... one, two, three!"

Kasabay ng unang pagpalo ng stick sa drum ay ang simula ng pagtunog ng keyboard at ng iba't ibang klase ng gitara, lumilikha ng iba't ibang tunog ng isang pamilyar na kanta. Hinawakan ko ang mic at hinintay matapos ang intro, saka sinimulang umawit.

Naisipan ng bandang nabuo namin ni Jax na tumugtog sa garahe ng isa naming kabanda ngayong araw ng Sabado, gaya ng madalas naming gawin tuwing walang pasok. Noong elementary pa lang, nahilig na kami ni Jax sa pagtugtog ng gitara. Ito ang madalas naming gawin bilang bonding, at pangarap gawin sa iba't ibang entablado sa buong mundo.

Kaya bilang panimula sa aming pangarap, nagdesisyon kaming bumuo ng isang banda kasama ang mga kaibigan naming musically inclined din.

"Lalalala lala lala lalala~"

Nang matapos ang huling kantang nais naming tugtugin, inaya ko ang mga kabanda ko na magmeryenda muna sa ice cream parlor sa bukana ng subdivision. Nakapagtataka lang at pare-pareho silang hindi pwede ngayon.

"Ay sorry, Boni, kailangan ko nang umuwi. May pinapabili pa sa 'kin nanay ko," sabi ni Tom, keyboardist namin, at napakamot sa kanyang ulo.

"Ah, oo nga pala, may date kami ni Tasha mamaya. Mauna na 'ko," wika naman ni Leo, ang bassist. Si Tasha ang girlfriend niya for two years (and counting).

Nagtataka man, wala akong ibang nagawa kundi tumango sa kanilang dalawa tsaka humarap kay Jojo, ang drummer at anak ng may-ari ng bahay kung saan kami madalas pumunta para tumugtog.

"Ikaw, Jo?"

"Pass muna ako, Boni. May lakad kami ng pinsan ko."

"Ganun ba?" Iniwasan kong kumunot ang noo ko at tinanguan na lang din siya.

"Pero si Jax, pwedeng-pwede. 'Di ba, pre?"

"Ha?" Napakurap ang mga mata ng best friend ko kay Jojo. Pinanood ko silang dalawang magtitigan, tila nag-uusap gamit lang ang mga mata.

Anong meron?

"O-Oo, wala naman akong ibang gagawin," ani Jax, matapos ang halos isang minutong titigan nila ni Jojo. "At saka trip ko rin mag-ice cream ngayon."

Nagtatakang tiningnan ko muna ang kababata ko tsaka tumango-tango. "Okay, kami lang ni Jax."

Sabay-sabay na nagsitanguan habang nakangisi ang mga kabanda namin sa sinabi ko.

"Bye, guys!" paalam nina Tom at Leo na sabay lumabas ng bahay nina Jojo.

Pagkatapos ayusin sa lalagyan ang mga gitara namin, nagpaalam na rin kami ni Jax at saka umalis.

Ilang minuto lang kung lalakarin namin mula sa bahay nina Jojo hanggang sa ice cream parlor kaya hindi na kami tumawag ni Jax ng tricycle. Sa ilang minuto rin ng paglalakad namin, tahimik lang siya sa gilid ko.

"Uy, ayos ka lang?" tanong ko. Hindi si Jax 'yung tipong tahimik lang sa isang tabi pero hindi rin siya madaldal. Sakto lang para 'di maging "awkward" ang silence, kaya nagtataka ako kung bakit parang mime ang kasama ko ngayon.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon