42: Boni

989 50 18
                                    

Okay, hindi naman ganoon kalakas 'yung ilaw. Marami lang pala sila kaya masakit noong tumama sa mga mata ko. Pero ano bang nangyayari? Anong meron dito? Bakit biglang lumiwanag at mukhang sa akin pa ang focus ng mga ilaw?

Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang isang kamay at saka kumurap. "Anong-"

"Ano ba 'yan, Tom, bakit ngayon ka pa na-low batt?" Napakunot ang noo ko noong narinig ang boses at pangalan ng mga kaibigan ko.

"Ayaw mo kasi magpahiram ng powerbank!"

"Bakit 'di mo kasi dinala 'yung iyo?!"

"Tom? Leo? Kayo ba 'yan?" tanong ko habang unti-unting humahakbang palapit. Isa-isang namatay 'yung mga ilaw pero naaninag ko na ang apat na taong nakatayo sa harapan ko ngayon.

"Jax? Anong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tinitigan ko ang mga kaibigan ko. "Teka, ano 'yang suot niyo?" Kinuha ko 'yung phone ko para buksan ang flashlight at makita sila nang mas maayos. Hawak din nila ang phones nila at- "Uy, ano 'yan? Bakit ganyan ang suot niyo?" Natatawang tanong ko saka sila inilawan isa-isa. Lahat sila ay nakasuot ng tux pero naka-sneakers. Ayos na ayos din ang mga buhok nila na halatang nagwax pa. "Gara, anong trip niyo?" Natatawa pa rin ako.

"Trip ka ni Ja- ARAY! T-Trip mo 'to, 'di ba?" sagot ni Tom habang hawak 'yung batok niya.

"Ha? Bakit niyo naman- Teka. Si Papa! Nakita niyo ba siya?!" Bumalik ang kaba sa akin noong naalala ko ang dahilan kung bakit kami nandito ni Kuya Juan. Teka, si Kuya Juan! "Nasaan si Kuya-"

"SURPRISE!"

Muntik ko nang mabitawan 'yung phone ko noong biglang lumiwanag ang paligid. Sabay-sabay bumukas ang mga ilaw na nakasabit sa mga puno. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang taong kanina pa nagpapakaba sa 'kin.

"Papa!" Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya. "Okay ka lang ba? Anong nangyari? May masakit ba sa 'yo? Anong ginagawa mo rito?" sunod-sunod na tanong ko.

Marahan siyang ngumiti. "Sorry, anak, ito kasi naisip na pakulo ng mga kapatid mo," aniya. "Sumang-ayon na lang ako kasi mas kilala ka nila."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Pakulo?" Saka ko lang iginala ang tingin ko sa paligid. Nasorpresa ako nang makitang sobrang ayos ng lugar. May mga lamesa na pinatungan ng magagandang tablecloths, makukulay na balloons na nakakalat sa sahig at ilang decors na nakapalibot sa maluwang na gazebo. "Bakit...?" Manghang-mangha pa ako sa lugar nang may naramdaman akong humihila sa pyjama ko. Nakita ko si Janina na cute na cute sa suot niyang floral dress. Maging siya ay nakasuot ng sneakers imbis na formal shoes. Sasabihin ko sana sa kanya na bagay 'yung suot niyang headband sa bangs niya nang magsalita siya.

"Happy birthday, Ate Boni!" ngiting-ngiting aniya.

Saka lang nagsink in sa akin 'yung pagsigaw nila ng "surprise" kanina, 'yung ayos ng buong lugar kung nasaan ako ngayon at kung bakit ganoon ang motif ng mga damit nila.

Birthday party ito. Birthday ko. Ngayon.

Paano ko nakalimutan?!

"Na-realize naming hindi mo naalala na birth month mo na noong isang linggo pa."

Napalingon ako kay Jax noong nagsalita siya.

"Aray! Para saan 'yon?" nagtatakang tanong niya noong sinuntok ko 'yung braso niya.

"Nakakainis kayo," naluluha kong sabi.

Natawa siya tsaka hinawakan ang kamao ko na bumakat siguro sa braso niya. "Bago ka manakit, magpalit ka muna."

Agad bumaba ang tingin ko sa katawan ko noong sinabi niya 'yon. Shit, naka-pajama nga lang pala ako.

"Pero wala akong-"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon