41: Pahinga

937 65 23
                                    

Andi.

"Ha? May sinabi ka, Boni?"

"Ha?" Hindi ko namalayang may pangalan na palang lumabas mula sa bibig ko. Napakurap ako kay Jax na nagtatakang nakatingin sa 'kin. Narinig niya ba 'yung sinabi ko?

"A-Ano..."

"Sorry, Boni, 'di ko naintindihan," aniya saka inalis 'yung suot niyang earphones. "Ano ba 'yon?"

Napangiti ako sa kanya (at nakahinga nang maluwag). "Ano, andito na pala si Mr. J, makinig na tayo." Mukhang naniwala naman si Jax kaya nawala na 'yung kaba ko.

Pero shit, ang korni ko.

Ibinalik ko na ang tingin ko sa principal namin. Salita siya nang salita pero wala akong maunawaan. Buti na lang, nauna nang ipaliwanag sa amin ni Carl ang upcoming event. Kanina pa kasi ako busy sa pagtingin sa taong nakatayo sa unahan ng pila ng ABM-1 kaya hindi ko na namalayan ang paligid ko.

Seryoso siyang nakikinig sa principal namin. As president, kailangan niyang siguraduhin na makukuha niya lahat ng important details para i-relay sa classmates niya upang masiguro na may alam din sila.

Noon, hangang-hanga ako sa tuwing pinapanood ko siyang sumayaw o magbake. Nakakatuwang makita siyang ginagawa ang gusto niya. Ganoon din ngayon na officer siya sa klase nila. Parang kahit anong gawin niya, ang sarap niyang panoorin.

"Kailan daw start ng preparations?"

Natigil lang ako sa pagtitig noong nagtanong si Jax. Napunta na rin ang attention ko sa mga kaibigan namin na parang may mga sariling mundo at busy sa mga cellphone nila.

Pero kanina, nasa sariling mundo ko rin ako.

Hindi ko na ulit natingnan siya hanggang sa bumalik kami sa sari-sariling classroom. Buong oras na nakatingin ako sa kanya, isang bagay lang ang naiisip ko. Noon pang nakausap ko si Kuya M naiisip ang bagay na 'yon. Isang bagay na ako lang at wala nang iba ang makakagawa. Pero bago ang bagay na 'yon, marami pa akong dapat gawin. May bagong event na naman at siguradong magiging doble ang pagiging busy namin.

"This year, isang play ang naka-assign sa batch natin," panimula ng vice president ng SC na si Christian. May meeting ang buong batch namin sa auditorium at kasalukuyan siyang nasa harap kasama ang iba pang SC officers.

"What kind of play? Musical ba? And, sinong bida? Ako ba?" sunod-sunod na tanong naman ng president na walang iba kundi si Sofia.

Napakamot sa batok si Christian at bumulong pero nakatutok pa rin sa mic ang bibig. "Napag-usapan na natin 'to sa meeting...."

Natawa ang mga nakarinig kaya nanlisik ang mga mata ni Sofia sa amin, pati sa vice niya. It was really funny, tho. Si Sofia ang president pero clueless siya sa mga ganap na siya dapat ang may hawak. Halatang hindi nakinig sa meeting nila. Hay. I guess, kailangan mo talagang i-earn ang isang position at hindi basta kunin ito dahil lang kaya mo. Iyon ang nakabubuti para sa lahat.

"As I was saying, mahahati tayo sa tatlong departments. 'Yung una, in charge sa props at costumes. 'Yung pangalawa, para sa backdrop. Tapos 'yung third ang cast o actors natin," pagpapatuloy ni VP.

"Sana hindi na sapilitan ang casting katulad noon sa booth," ani Jax na katabi ko.

"Sana nga," sagot ko saka siya pinanlisikan ng mga mata na ipinagtaka niya. Hindi ko makakalimutan na pinagkalulo niya ako na maging flower girl noon.

"As of now, niluluto pa ang story. Doon muna ang focus namin. Then, we'll proceed sa casting."

Pagkatapos magsalita ni Christian, hinati-hati na ang tasks sa sections. Gaya ng napag-usapan naming classroom officers, kabilang ang section namin sa mga in charge sa props at costumes. Hindi madali pero mas gugustuhin kong gumupit ng sandamakmak na crêpe papers kesa umarte. Hindi ko forte at wala akong pag-asa ro'n.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon