27: Flower Crown

692 47 10
                                    

Muling nagkita-kita ang mga kasama noong birthday nina Jax at Ethan. Parte kami ng cotillion sa nalalapit na debut ni Andrea. Naging partner ko si Jax, si Jojo kay Hailey, habang sa ibang babaeng pinsan ni Andrea naman sina Leo at Tom. Inasar si Leo na baka magselos si Tasha dahil iba ang partner niya sa sayaw pero tumawa lang ang girlfriend niya na sinamahan kami sa practice.

"Kawawa nga partner niyan, hindi naman 'yan dancer eh," asar pa ni Tasha kay Leo. Hindi naman makaganti si Leo dahil bukod sa girlfriend niya ito, takot siyang magalit si Tasha, hindi raw namamansin nang ilang linggo.

"Kawawa ka rin, Jax, hindi ako dancer," saad ko sa kaibigan ko habang ginagawa namin ang steps na itinuro nung dance instructor.

"Parehas lang tayo," nakangiting sagot niya. Natawa kaming dalawa nang bigla ko siyang maapakan kaya napa-aray siya.

"Sorry!" sabi ko pero hindi ko mapigilan ang tawa ko. Bigla niya kasing itinikom ang bibig niya at nanlaki ang mga mata.

"Sorry pero tumatawa ka," nakasimangot na aniya.

"Mukha ka kasing unggoy."

"Ah, unggoy pala ha." Akmang tutusukin niya ang tigkabilang tagiliran ko nang may biglang tumikhim.

"Water break na muna, guys." Umalis sa pwesto ang lahat pagkasabi no'n ni Andrea. Umupo siya sa tabi ni Hailey sa isang gilid.

Nagpaalam ako kay Jax na lalapitan lang sila. Hindi ko alam pero kinakabahan ako habang papalapit ako sa kanila. Ngayon ko pa lang ulit makakausap si Andrea makalipas ang ilang linggo. Pero kahit araw-araw ko siyang makausap o makasama, palagi akong kakabahan sa tuwing malapit siya.

"Hi," bati ko saka umupo sa isa pang upuan na katabi niya. Ngumiti sa 'kin si Hailey, which is bihira lang pero hindi ako nagrereklamo.

"Hi," bati rin ni Andrea, bahagyang lumingon sa 'kin.

"I'll just get my electric fan, it's so mainit." Tumayo si Hailey at naglakad palayo sa amin kaya naiwan kaming dalawa ni Andrea. Sinundan ko siya ng tingin bago lumingon sa pinsan niya na nanatiling tahimik.

"Uhm, kumusta? Okay ka lang?" tanong ko kaya napatingin na siya sa 'kin.

"Ah, yes, pagod lang." Ngumiti siya. "Also, I can't believe na legal na ako in two weeks."

"Bye bad habits na," biro ko.

"Meron ba ako no'n?" Pareho kaming natawa.

"Wala, mabait ka talaga."

"Hindi ka sure, Boni."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba?"

Nagkibit-balikat lang siya at tumingin na ulit kung saan. Tumahimik ulit siya kaya hindi ko naiwasang tumingin lang sa kanya.

Okay ka lang ba talaga, Andrea?

May problema kaya siya? Anong nasa isip niya? Tatanungin ko na sana siya kung bakit mukhang bothered siya nang may lumapit sa amin.

"I got your iced coffee." Inabot sa kanya ni Ethan ang isang cup bago tumingin sa 'kin. "Oh hi, Boni. Sorry, hindi kita nabilhan. Gusto mo rin ba?"

"No, Ethan, okay na 'ko. Thank you."

Ngumiti siya sa 'kin at tumango. Nanatiling tahimik kaming tatlo habang magkakatabi. Gusto ko pa ring kumustahin si Andrea kaso naiilang ako kay Ethan. Sa totoo lang, kanina pa ako hindi mapalagay dahil sa kanya. Siya kasi ang kinuhang escort ni Andrea. Nahulaan ko naman na 'yon noon pa pero... hay. Sino pa ba ang kukunin niya? Alangan namang ako. Pero bakit nga ba hindi na lang ako? Dahil ba babae rin ako? Ano naman?

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon