14: Proud

683 38 0
                                    

"LOUD AND PROUD, BRING HOME THE CROWN! MCHS! MCHS!" sabay-sabay na sigaw ng lahat ng estudyante ng school namin. Puno ang gymnasium ng isang mas malaking school kumpara sa amin. Maswerte kami sa nakuha naming pwesto na nasa lower box, kitang kita mula rito ang center floor.

Inilibot ko ang paningin ko sa schoolmates ko. Agad kong nakita ang grupo ng kalalakihan na tinitilian ng mga babaeng nakapalibot sa kanila. Magkakatabi ang mga miyembro ng basketball team sa harapan, ilang hanay lang ang layo samin. Kitang kita ko ang jacket na may nakalagay na Ibañez sa likuran.

Basketball player siya pero parang gusto ko siyang hamunin sa larong dodgeball.

Mas naging maingay ang crowd noong batiin na kami ng emcees ng event. Isa-isa nilang tinawag ang participating schools. Hindi padadaig ang bawat paaralan na may kanya-kanya pang patambol, pero wala na atang mas lalakas pa sa sigaw ng mga schoolmate ko noong tawagin na ang representatives namin. Naunang lumabas ang cheering squad at kasunod ang dance troupe. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumigaw rin noong makita ko siya. Malaki ang ngiti niya habang kumakaway sa audience. Narinig ko ang malakas na pagsipol ni Ethan kaya mas nilakasan ko pa ang sigaw ko.

"Easy, Boni. Baka mawalan ka na ng boses mamaya," wika ni Jojo, medyo pasigaw dahil ang ingay ng lahat. Tumahimik lang ang mga tao noong doxology na, maliban pala kay Jax na buong oras ay tahimik lang.

Naunang ganapin ang cheer dance competition. Retro ang tema ng routines nila this year. Pang-80s ang damit ng members ng cheering squad namin at maging ang musika na ginamit nila. Ang ganda ng performance ng sa amin, malinis at halatang halos buong taon pinaghandaan. Pero kahit na mukhang pulido at 'di magkakamali, ayokong sumali sa cheering squad si Andrea tapos isa siya sa mga ihahagis. No way.

After mag-perform ng lahat ng cheering squads, may kumanta na taga-ibang school bilang intermission. Una sina Andrea na magpe-perform sa lahat ng dance troupes. Pumwesto na ako sa pinakaunahan ng lower box, hawak ang inihanda ko kagabi para sa best friend ko.

Noong i-announce na ang simula ng second competition at tinawag na ang school namin, itinaas ko ang malaking cartolina na dinesenyuhan ko.

Noong i-announce na ang simula ng second competition at tinawag na ang school namin, itinaas ko ang malaking cartolina na dinesenyuhan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"GO ANDREA!" malakas na sigaw ko. Nagulat ako noong mapatingin siya sa'kin, maging ang ibang tao na nasa unahan ko, napalingon sa likuran nila. Shit. Ganun kalakas ang boses ko? Kabilang sa mga lumingon si Ethan pero iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Ang mahalaga lang sa 'kin ay 'yung ngiti ni Andrea noong makita ang cartolina na itinaas ko.

Bonifacia - 1, Ethan - 0.

Pumwesto na sila at agad na sinimulang sumayaw. Buong performance nila ay nakataas lang ang cartolina habang nagchi-cheer ako kasabay ng lahat ng taga-school namin. Proud na proud kong ibinandera ang pangalan ng babaeng mahal ko. Ngayon ko lang 'to nagawa dahil sa mga nakalipas na taon at competition, lowkey lang ang support na ipinapakita ko kay Andrea. Nahihiya kasi ako, natatakot sumobra. Pero ngayon, hindi na ako gaanong takot magpakita ng suporta dahil suportado rin ako ng mga kaibigan ko.

Parang ang bilis lang ng mga sumunod na performances dahil maya-maya, announcement na ng winners. 1st place ang nakuha ng cheering squad ng team namin. Ang lakas ng sigawan ng schoolmate ko kasabay ng tambol, pero mas malakas ang kabog ng dibdib ko dahil sunod na sina Andrea.

Sina Leo at Tom na ang may hawak ng cartolina dahil magkadikit na ang mga kamay ko, nagdarasal. 1st place ang senior division ng dance troupe last year kaya grabe ang pressure sa batch nina Andrea ngayon. Tahimik lang ako hanggang sa i-announce na ng emcees ang nagwagi.

"INHS!" Nag-ingay ang mga estudyante ng paaralan kung nasaan kami. Hindi na masyadong narinig ang pag-announce ng 2nd place, which is kami.

"Ano ba 'yan, luto ang laban. School nila nag-host eh," narinig kong sabi ng isa naming kaklase.

"Hindi 'yon ganon," narinig ko namang sabi ni Jax kaya napalingon ako sa kanya. "Hindi porke't nasa iyo, ikaw na ang mananalo." Gusto ko siyang sang-ayunan pero parang may hindi ako maintindihan. Napatitig na lang ako sa kanya.

"Boni, si Andrea." Natigil lang ako sa pagtitig sa kaibigan ko nang magsalita si Leo. Nalingon-lingon ako sa paligid at agad ding nakita si Andrea na tumatakbo palapit.

Nagulat ako noong lundagin niya ako at niyakap. "Thank you," bulong niya. Nagtataka ako dahil mukhang ang saya niya 'di gaya ng iba niyang members at schoolmates namin.

"O-Okay ka lang?" tanong ko.

Kumalas siya sa yakap at tinitigan ako sa mga mata. "How can I be not okay when my best friend gave me the best support?" nakangiti niyang sabi. Napangiti rin ako dahil sa sinabi niya at dahil sa ngiti niya.

Ang ganda.

"Hey, Andrea!" Napahiwalay siya sa 'kin noong may tumawag sa kanya. Napasimangot ako noong makita kung sino.

"Ethan!" tawag din ni Andrea. Lumapit samin 'yung lalaki tsaka niyakap si Andrea.

"Congrats," dinig kong sabi nito. Lalo akong napasimangot. Naunahan niya akong i-congratulate si Andrea! Kainis. "Saan ang celebration?" tanong pa nito.

"Well, balak kong ayain si Boni sa favorite ice cream store namin." Napangiti ako sa narinig kong sinabi ng kaibigan ko, pero nawala rin agad ang ngiti ko. "Wanna come?"

"Yes, of course."

Anak ng. Napatingin ako sa mga kaibigan ko, naghahanap ng tulong. Nagtagpo ang mga tingin namin ni Jax.

"Pwede ba akong sumama?" tanong niya kaya napatingin sa kanya sina Andrea at Ethan.

"Of course, Jax, you can always come with us," sagot ni Andrea. "Kayo Tom?"

"Salamat, Andrea, pero may pupuntahan pa kami. Congrats nga pala ah," sagot ni Tom.

So kami lang apat ulit, the bike and its training wheels.

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon