24: Same

673 43 5
                                    

"You owe me one," nakangising sabi ni Hailey.

"Oo." Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang maalala 'yung nangyari noong prom night. Hindi man ako ang date ni Andrea, ako naman ang naghatid sa kanya pauwi sa kanila. Nagulat pa nga si Tita Kamilha, mommy niya, na ako ang kasama niya pero pinapasok din ako sa loob ng bahay nila at pinapunta si Kuya Marcelo para sunduin ako dahil masyado na raw late at delikado. "Salamat, salamat din kasi hindi mo ako nilaglag sa kanya."

"I may be a brat, but I'm not insensitive," wika niya. "So, what's next?"

"Next?"

"Duh, your next move." Umirap siya. "Don't you have a plan or something?"

"Uhm, meron."

"What? When will you make amin?" seryosong tanong niya.

"Amin?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ang plano ko lang kasi ay iparamdam kay Andrea ang nararamdaman ko, hindi ko pa naiisip ang pag-amin nito mismo. Hindi ko kasi alam kung paano. At medyo... natatakot pa ako.

"Uh, yes? You can't just show that you like her, you must also tell her! If not, you're like paasa or whatever," saad ni Hailey.

Napabuntong-hininga ako. Tama siya, hindi pwedeng magparamdam lang ako forever. Hindi magiging klaro kay Andrea. Iisipin niya lang na ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya ay bilang kaibigan lang. Oo, kaibigan niya pa rin naman ako pero ang intensyon ko ay higit pa ro'n.

"Sasabihin ko sa kanya soon."

"Well, Boni, you better tell her sooner because you're not the only one who has a crush on her," aniya.

Tumango ako. Kailangan ko na ngang pag-isipan kung paano ko sasabihin.

~

Sa last day of school, wala na kaming masyadong ginawa. Farewell party na lang talaga at bakasyon na namin. Kinukuha ko na lang ang mga naiwan kong gamit sa cabinet sa likod ng room nang lapitan ako nung isa kong kaklase.

"Boni, totoo ba?" tanong ni Sofia na ikinakunot ng noo ko.

"Totoo ang ano?"

"Bi ka?"

Natigilan ako sa tanong niya. Gustuhin ko mang pigilan ang paglaki ng mga mata ko para hindi niya makuha ang sagot sa reaksyon ko, huli na. Napatanga ako sa harapan niya sa gulat at... takot.

Paano niya nalaman?!

"Tawag na tayo nina Leo." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Jax sa gilid ko at saka ako inakbayan.

"Pero-" Magsasalita pa sana si Sofia pero tumalikod na kami ni Jax at naglakad palabas ng classroom.

Tulala pa rin ako hanggang sa makarating na kami sa bahay nina Jax. Nagtataka na ang mga kaibigan ko pero nanatili lang akong tahimik at nakinig sa mga pinag-uusapan nila.

"Legal na rin sa wakas ang lover ni Billie Jean!" saad ni Tom saka binalak na makipag-apir kay Jax pero tiningnan lang siya nang masama nito.

"Saan tayo, pre? Papaalam na ako kay Mama."

"Kay Tita o kay Tasha?" sagot ni Tom kay Leo kaya pinakyu siya nito.

"Gusto raw ni Janina sa isang wave pool," ani Jax.

"'No ba 'yan, pre, bata nagde-decide. Pero I agree, sa wave pool tayo!" saad ni Tom.

"Isip-bata talaga," rinig kong wika ni Jojo. Pinakyu siya ni Tom.

In-invite ni Jax sina Andrea, Ethan at Hailey at sobrang natuwa 'yung huli.

"OMG! Jax invited me?!" Ang laki ng ngiti sa mga labi ni Hailey noong ibinalita ko sa kanya ang birthday celebration ng best friend ko sa susunod na buwan. "What gift kaya like niya? Probably me."

BonifaciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon